Zione's POV!
"Anong sabi ni Doctora?" Tanong ni Kuya Ryzel kay Draze.
"Sabay na daw nila ia-announce kung anong gender ng baby." Sagot nya naman.
"Ang bilis ng panahon noh? Akalain nyo 7 months na silang buntis." Parang namamanghang sabi ni Kuya Hyzer.
"Oo nga samantalang parang kahapon lang ay hirap na hirap pa si Zione dahil sa paglilihi ni Amber." Suhestyon naman ni Zylver na nagpatawa sa akin...
•••Flashback•••
"Zioneeee~" agad akong lumapit kay Amber matapos nyang tawagin ang pangalan ko.
"Yes?" Tanong ko habang nagpupunas ng pawis.
"Nasan na yung ice cream ko? Sabi ko bilisan mo eh~" nakapout nya pang sabi.
"Eh kasi naman wala na akong makuhang available na cookies and cream. Saan naman ako kukuha noon?" Akala ko ay wala syang sasabihin dahil sa nananahimik lang sya pero maya-maya ay narinig ko ang paghikbi nya.
"Bahala ka,sasabihin ko kay baby na pinapabayaan mo kami! Whaa~ I hate you na!" Iyak nya pa.
"Hush don't cry na Anae,sige hahanap na lang ako baka meron kay Zylver." Agad syang huminto at ngumiti sakin kaya umalis na ako upang humanap ng ice cream nya.
Napabuntong hininga ako ng makalabas ako ng kwarto namin. Inaamin ko medyo nahihirapan akong ihandle si Amber,napaka moody nya na kasi ngayon pag ako ang kaharap nya pero sobrang lambing nya din naman minsan.
"Kuya may cookies and cream ka pa bang stack ng ice cream dyan?" Tanong ko kay Zylver.
"Bakit humihingi na naman ba si Amber?" Tanong nya kaya tinanguan ko sya.
"Ang hirap pala pag naglilihi yon. Tingnan mo nalang doon sa fridge meron pa atang isa doon."
"Sige thank you." Dali-dali naman akong pumunta sa ref at tiningnan kung meron pa,salamat may isa pa nga.
Bumalik ako sa kwarto ng may ngiti sa mga labi pero unti-unti run yong nawala. "Ang tagal mo naman,ayoko na pala nyan. I want strawberries naman,please?" Pang-ilan na ba nyang pagbabago-bago ng isip to?
"Anae naman eh saan naman ako bibili ng strawberries hindi naman panahon nun ngayon?"
"Ang dami mo namang reklamo eh sabihin mo kung napapagod ka na! Baby ayaw ka ni Daddy bilan ng strawberry eh,pasensya ka na ha?" Argh! Bakit ba kasi ganito sya maglihi.
Lumapit ako sa kanya saka umupo sa edge ng kama at hinaplos ang tiyan nya. "Sorry baby hahanap na si Daddy okay? Wait mo lang si Daddy ha." Pagkasabi ko non ay tumayo na ako agad.
"Salamat Nampyeon,I love you." I kissed her on her forehead bago umalis at naghanap ng strawberries.
Kung saan-saan na ako nakarating. Sa mall,sa palengke,sa fruit stalls,sa convinience store,sa puregold,sa bangketa pero wala na daw,mahirap daw kasi yung stack non ngayon. Pauwi na sana ako ng may makita akong fresh fruit juice na tindahan. Sana naman may strawberries sila.
"Ehem, meron po ba kayong tindang fresh strawberries?" Sige Zione maghanap ka sa imposible.
"Meron po sir kaso hindi po namin sya pinagbebenta ng raw,sangkap po kasi to para sa fruit juices namin." Aww.
"Hmm baka naman pwedeng bilin ko na,naglilihi kasi yung asawa ko. Please miss?" Ehem,asawa daw!
"Ehh sir...hmm sige na nga po. 1000 pesos po ito." Tapos nilabas nya yung strawberry na nasa square na styro at may cling wrap.
"Ehh ang mahal ata." Sabi ko bago ngumiti at labas dimple please gumana ka!
"Ih sir naman sige na nga po 800 nalang." Aba mahal pa rin yon eh pero sige na nga baka gutom na si baby ko.
"Okay sige pwede na yan." Inabot ko na yung pera at umalis na.
Pagdating ko sa bahay binalikan ko agad si Amber. "What took you so long? Ayoko na pala nyan hindi na lang ako kakain." Halos sabunutan ko na ang sarili ko,nakakainis pinapagod nya lang ako.
•••End of Flashback•••
"Hahaha oo naalala ko nga yon. Halos araw-araw atang pagod si Zione noon eh." Kuya Kyzen said.
"Pero si Denise anong ginagawa lagi Draze?" Tanong ni Kuya Zrylle.
"Haha yon naman walang ibang ginawa kundi matulog." Sagot ni Draze habang tawa ng tawa.
"Pero kahit ganun sila buti hindi sila tumaba gaya ng ibang babaeng nabubuntis noh?" Zylver.
"Oo nga eh. Yun naman yung magandang bagay." pagsang-ayon ko.
Nagpatuloy lang kami sa sa pagkwekwentuhan ng lumabas si Doctora kasama si Amber at Denise. "Congratulations Mr. Lionel parehong healthy ang mga babies nyo." Napangiti kami pare-pareho.
"So ano pong gender ng baby ko?" Excited na tanong ni Draze.
"It's a baby girl,Jagiya." sagot ni Denise na mas ikinatuwa nya.
"Nice magkakaroon na tayo ng beautiful niece." Sabay na sabi ni Kuya Kyzen at Kuya Zrylle at nag-apir pa.
"Eh sa inyo anong gender ng baby?" Curious na tanong ni Kuya Ryzel,actually lahat naman kami curious lalo na ako.
"Hulaan ko babae yan no?" Umiling si Amber.
"Lalaki?" Tanong ko pero umiling ulit sya.
"Ah alam ko na bakla yan!" Hirit ni Kuya Hyzer.
"Hindi Kuya baka tomboy!" pilyo namang sabi ni Draze kaya binatukan ko sila pareho.
"Eh ano pala?" Sabay-sabay naming tanong.
"Both."
"What do you mean both?" Mas lalo ata akong nakucurious.
"It's a boy and a girl." Sagot nya pa.
"You mean?" Tumango sya na naging dahilan para mapangiti ako ng sobra.
"Kambal ang anak natin,Zione." Wala na talaga akong mahihiling pa. Kuntento nako sa buhay ko ngayon.
"Ang tindi mo Kuya,masyado kang matulis!" napatawa silang lahat dahil kay Draze.
"Ikaw din naman ah,tingnan mo nga sinabayan mo pa kami." Hahaha nakisakay pa ko.
"Ayos to,tatlo na ang baby natin hahaha." Sabay-sabay na sabi ng limang single naming Kuya.
Isa na lang talaga ang kulang at iyon ay ang paghingi ko sa mga kamay nya,ang pakasalan sya.
-----
Eto na po yung BOOK 2 na hinihingi nyo. Keme hahaha. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta hanggang sa muli.😂😍😘
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fanfiction[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!
