Bonus Chapter 2

714 25 4
                                        

Zione's POV!

Kasalukuyan kaming nanunuod ng T.V. Kailan kaya lalabas si Baby? Due date na nila Amber at Denise ngayon pero hindi parin sila nanganganak naiinip na nga kami eh.

"Nampyeon parang humihilab na yung tiyan ko." Kalmado nyang sabi.

"Ano yun?"

"ARGH~ ANG SAKIT NA NG TIYAN KO." Sigaw nya kaya nataranta na ako.

"Manganganak na ata ako,Zione." Hindi ko alam kung anong gagawin. Nagpapaikot-ikot lang ako.

"KUYA MANGANGANAK NA SI DENISE!" sigaw ni Draze mula sa taas.

Isa-isa silang lumabas ng kwarto at dala na nila lahat ng kailangan naming gamit. Lahat kami ay natataranta pero kailangan naming maging mabilis.

"BWISIT ZIONE BILISAN MO! ANG SAKIT-SAKIT NA NG TIYAN KO,PROMISE PAGKATAPOS NITO HINDI KA NA MAKAKAULIT!" Hala sya parang totoo ah.

"DRAZE WAG MO AKONG IWAN DITO SA TAAS." Sigaw naman ni Denise ang nangibabaw sa loob ng bahay.

"Ay sorry na Jagiya natataranta na ako eh." Wika nya habang nagmamadali sa pag-akyat.

Napakagulo ng bahay ngayon pare-pareho naming hindi alam ang gagawin. "ZIONE SINASABI KO SAYO PAPATAYIN KITA PAG LABAS NG MGA BABIES NATIN!" Okay seryoso na nasasaktan na talaga sya.

"DRAZE HINDI NA ULIT AKO MAGPAPABUNTIS,BAHALA KA NA SA BUHAY MO!" Seryoso namang sigaw ni Denise kaya halos mangiyak-ngiyak na kaming dalawa.

"Sorry na." Sabay naming sabay saka sila inalalayan papasok ng kotse.

"Inhale...exhale." I said para naman ipakitang supportive daddy ako.

Nakarating kami sa ospital ng maayos ang kaso hindi pa daw kasi tama ang CM ng tiyan ni Denise at Amber kaya hindi pa magawa ang operasyon. Wala akong ibang magawa kundi ang maghintay sa waiting area kasama sila Kuya maya-maya ay kinakabahan ako sa bawat pagpasok ng nurse at doktor.

"Ang tagal naman,kinakabahan ako." I pat Draze's back dahil naiintindihan ko sya. Pareho kami ng nararamdaman ngayon.

"I'm sure everything will be alright. Maniwala lang tayo sa kanila." Kuya Ryzel said to comfort us.

"Kuya may paraan ba para malaman ko kung nanganak na si Amber? Kinakabahan talaga ako,alam ko sobra syang nahihirapan ngayon." Tanong ko.

"Just use your senses Zione,panigurado akong pamilyar ang dugo ng mga anak mo sayo. And I'm sure oras na marinig mo ang pag-iyak nila masisigurado mong sila na yon." Sagot sakin ni Kuya Ryzel saka ngumiti.

I smiled back at saka ipinikit ang aking mga mata. I used my senses,marami akong naamoy na dugo pero tanging sa kanya lang ang napansin ko. That blood–ang dugong naging dahilan upang tumagal kami ng ganito,upang mahalin ko sya higit pa sa buhay ko. Then suddenly something caught my attention, it was so attractive alam kong may pagkamanly ito pero naaamoy ko ang dugo ni Amber sa kanya.

Our first baby is a boy at umiyak sya,umiiyak sya ngayon. Napangiti ako bigla. "Anong nangyayari sayo Zione?" rinig kong tanong ni Kuya Hyzer pero hindi ko sya pinansin.

"It's a boy,lalaki ang unang baby nila." Kuya Zrylle said in a smiley voice.

Nananatili akong nakapikit. Pinakikiramdaman ko ang paligid ko maging si Amber, then may naamoy ako ulit napakabango din ng dugo nya. Bigla akong natawa,is that my blood's smell kaamoy sya ng isang pepper mint. Mas dominate ang blood ko pero maaamoy mo din ang feminine side nito. I know,our second baby is a girl at nagsimula na siyang umiyak,the sound of her voice is like a melody,an angelic melody that keeps repeating into my ears.

"Baby girl,lumabas na ang baby girl ko." Sabi ko saka iminulat ang mga mata ko at ngumiti sa kanila.

Bigla ko ding naamoy ang scent ni Draze sa loob ng E.R parang dumoble ito pero parang mas naging mabango. "Finally,I can smell my baby's scent. It's captivating too,like her mom's." Nakangiting sabi ni Draze.

"Sabi sa inyo eh. Diba tama ako? Mararamdaman nyo yun at maaamoy." Tinanguan namin si Kuya Ryzel saka bumulong ng 'thank you'.

"Mga Daddies na kayo kaya dapat mag-mature na din kayo!" Natawa kaming pareho ni Draze sa sinabi ni Kuya Kyzen.

"Matured naman sila ah,...sa kama nga lang hahaha." Sabi naman ni Zylver na mas nagpatawa sa amin.

---

It's been two days simula nung manganak sila Amber at Denise. Napag-isipan na din namin kung anong ipapangalan namin sa mga baby pero hindi pa namin ito sinasabi sa iba.

"So ano na Draze,naisip nyo na ba kung anong ipapangalan nyo dito kay baby girl?" Tanong ni Kuya Kyzen since hawak nya ang baby nila Draze at Denise.

"Oo Kuya." Simpleng sagot ni Draze habang pinagbabalat si Denise ng apple.

"Dranise Rose Alonzo Lionel, maganda hindi ba?" Tanong ni Denise na nagpangiti sa aming lahat.

"Bakit Rose?" Curious na tanong ko.

"Cause it's like my scent hahaha." Loko talaga itong batang ito.

"Kayo Amber anong ipapangalan nyo sa baby nyo?" Tanong naman ni Zylver.

"Sa baby boy namin, Zio Blaze Villareal Lionel." Sagot nya,sya nakaisip nyan eh.

"Sa baby girl naman namin, Ember Vernice Villareal Lionel." Sabi ko naman na proud na proud pa ako ata nag-isip nyan no.

"Halatang pinag-isipan ah hahahaha." Komento ni Kuya Hyzer.

"Oo nga eh saka parang hindi nila mahal ang isa't-isa." Zrylle Hyung.

"Hindi nga,dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa." Ako/Amber,pareho talaga kami ng iniisip.

"Magkaiba yun." Dagdag pa ni Amber.

"Oo nga Kuya,magkaiba yun. Sobrang magkaiba." agaran kong pagsang-ayon habang nakatingin sa mga mata nya.

"Ehem ang sweet." Sabay-sabay nilang komento na parang napipilitan lamang.

"I love you Nampyeon." She said.

"I love you too Anae." I answered before kissing her forehead.

-----

Chapter 2 ng BOOK 2 hahahaha joke lang. Iyan pa para naman hindi kayo mabitin hahaha. Keep supporting me,thanks a lot. I love you all!😂😍😘

An Angel's KissMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon