Amber's POV!
Katatapos lang ng simpleng celebration namin sa bahay. Namili lang si Papa ng letchong manok,ice cream at pizza na tinitinda sa stall dito sa may palengke. Actually masasabi kong masaya naman ako na hindi. Masaya, dahil nagkaron kami ng bonding nila Papa at Mama pero malungkot dahil hindi man lang ako naaalala ng magaling kong boyfriend!
"Tita aalis na po kami. Hihiramin ko lang po saglit si Amber." Paalam ni Denise kay Mama at Papa.
"Hindi ka ba kakain muna Iha?" Tanong sa kanya ni Mama.
"Hindi na po." Sagot nya habang hinahatak ako palabas.
"Osya sige,mag-iingat kayo ha." Tumango kami pareho kay Papa bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Hoy babaeng loka, aano tayo?" Tanong ko sa kanya matapos naming makasakay ng taxi.
"We'll go shopping then may pupuntahan tayo na siguradong magugustuhan mo,but for now secret muna." Teka parang kinakabahan ata ako dyan ah.
"Saan naman?" naiintriga kong tanong.
"Secret nga diba? Tsh. Just relax my dear best friend,gift ko to para sayo." Nanahimik nalang ako matapos nyang sumagot,panigurado wala akong matatanggap na magandang sagot dyan.
Pagdating namin sa Mall ay agad kaming pumunta sa salon at nagpaayos. Pareho lang namang light yung make-up namin at medyo ginawa lang nilang wavy ang buhok ko habang si Denise nagpatirintas pa (yung ipit nya po sa scarlet heart bilang Hae Soo, yung taas lang ang nakatirintas at yung baba ay nakaladlad na). After that nagpunta naman kami sa isang boutique at pinasuot nya sakin yung dirty white dress na may black ribbon (see at the multimedia box). Kumain lang din kami saglit at saka nagtungo sa lugar na gustong puntahan ni Denise. Sa totoo lang wala akong makita dahil simula ng makasakay kami ng taxi ay nilagyan nya na ng blindfold ang mata ko. Mas lalo tuloy akong kinakabahan!
"We're here and you can take off your blindfold now." Sinunod ko lang ang sinabi nya at tinanggal ang telang tumatakip sa mga mata ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay namangha ako. Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng mga Lionel at ang buong bahay nila ay nagliliwanag dahil sa ilaw,mga ilaw na hugis puso. Unti-unti akong humakbang papasok at biglang tumugtog ang kantang hindi ko inaasahan. (Play 'You and Me' by Lifehouse)
Hindi pa man tapos ang kanta ay narating ko na ang main door. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumalubong sa akin si Kuya Ryzel. Inabot nya ang isang Red Rose na may note na 'happy'. Sumunod naman si Kuya Kyzen na may note na 'birthday', naglakad ulit ako at si Kuya Zrylle naman ang sumunod 'to you.' ang note ng sakanya. Kay Kuya Hyzer ay 'my mate', sumunod ay si Draze 'my life' ang nakalagay sa kanya. Hindi ko inaasahang nandito nako sa pintuan ng kusina nila, si Zylver naman ang sumalubong sakin hawak ang rose na may note na 'my love'. Pagpasok ko ay sila Mommy at Daddy(Mr. and Mrs. Lionel) naman ang nakita ko, 'from' ang nakasulat sa rose nila.
Halos maluha-luha nako lalo na nung maghiwalay sila at bumungad sakin si Zione na nasa harap ng table na punong-puno ng pagkain,hawak-hawak ang last rose na may malaking note na 'Zione.' He's wearing a casual but presentable outfit na bumagay sa kanya.
"Surprise!" Sigaw nya na halatang sobrang saya nya.
"But, I'm not done yet. I know that I'm not a perfect mate or boyfriend, I'm always disappointing you but even if I'm that kind of person, you always understand me. Thank you,Amber. Salamat sa lahat ng pag-intindi kahit na mahirap akong intindihin. Sorry, dahil palagi tayong nag-aaway pero alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko hindi ba? Thank you din pala dahil binigay mo lahat sakin,that you trusted me even though you didn't know me. I promise Amber, hindi ka nagkamali sa desisyon mo. Happy birthday at sana sa lahat ng importanteng okasyon sa buhay mo ay kasama mo ako. I wish you all the best and I love you very much." Ngayon umiiyak na talaga ako. Ang haba at meaningful ng message nya.
Lumapit sya sakin at niyakap ako. "Bakit ka umiiyak?", tanong nya bago pinunasan ang mga luha ko.
"Akala ko kasi hindi mo na ako naalala. Akala ko hindi mo alam na birthday ko,na wala ka ng ibang iniisip kundi si Khrystel,na---" Hinarang nya ang hintuturo nya sa labi ko para pigilan akong magsalita.
"Sshhh, stop thinking about a lot of things Amber. I'm here,I'm always here for you, and one more thing Khrystel already go back to Korea so you don't have to worry about a lot of things." Bigla akong napangiti,so sa akin nalang talaga si Zione ngayon? Yipee!
He moved closer to me at pumitas ng isang petal ng rose. Hinarang nya yun sa labi ko at idinikit sa kabila ang labi nya. He started kissing me habang dahan-dahang tinatanggal yung petal.
"Ehem." sabay-sabay nilang tikhim ng maabutan nila ang scene sa kusina.
Lalayo na sana ako kay Zione pero hinigit nya ang bewang ko palapit sa kanya at ngumiti bago ako hinalikan ulit. Baliw talaga tong isang to,daig pa ang kissing maniac ea.
"Ay wala talaga silang nakikitang ibang tao." Rinig kong suhestyon ni Kuya Zrylle.
"Whoo~ Hot!" Kuya Hyzer said kaya tinulak ko na palayo si Zione.
"Ikaw ha sobra na yun." Reklamo ko pero aaminin ko nagustuhan ko naman hahaha.
"Bakit? Girlfriend naman kita ah." Reklamo nya din.
"Tsh. Kahit na." I answered while pouting.
"Oh tama na yan. Kumain na muna tayo." Sabi ni Tita kaya pumuwesto na kami. Tumabi sakin si Zione at may ibinulong.
"Mamaya na lang natin ituloy, it would be my gift for you." Agad kong pinalo yung braso nya na naging dahilan para tumawa sya ng malakas.
This is the best birthday ever. Makasama ko ang mga taong mahal ko ay isa sa mga magagandang regalo sakin ng diyos. Habang pareho kaming masaya ay biglang nagring ang cellphone ko.
"Hello Tito?" Pambungad kong bati.
"Hello my lovely niece? So how's your day? Are you happy?" Bigla akong napangiti ng maalala pa ni Tito na birthday ko.
"Okay lang po ako Tito, were in fact sobrang saya ko po ngayon. Kayo po kamusta na?"
"That's good to hear Iha, okay lang din naman ako. Nga pala happy birthday to you,yung gift ko pag-uwi ko nalang." He said kaya naging curious ako sa isang bagay.
"Kelan ka nga po pala uuwi?" I asked.
"Soon Iha...malapit na malapit na." Bigla akong nakaramdam ng saya pero bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang may mangyayaring masama?
-----
Hello my dear angels. So how's the story? Boring diba? Hahaha sorry na po. Bawi nalang po ako next time,also,happy 10K reads to us! Hindi ko po ineexpect na magkakaroon ako ng 10K reads. Salamat po sa suporta. Love you all!💞😍😘💋
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fanfiction[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!