Twenty Seventh Kiss

867 31 0
                                    

Amber's POV!

Masyado naman atang below the belt yung nasabi ko kay Zione pero naman kasi,nagseselos lang naman ako ea! Nakakabwisit talaga yung Khrys? Kris? Ay basta kung sino man sya! Ni hindi ko nga alam kung saang lumapalop sya ng mundo nanggaling!

I entered our room at ginamit ko yung back door para hindi na rin ako pagalitan ni Ma'am dahil nga sa medyo nagtagal ako.

"Uy Amber bakit ang tagal mo? Nagpupu ka ba?" pabulong na tanong ni Denise.

"Gaga! Si Zione kasi kinausap pa ko." Paliwanag ko naman.

"Ah. Sige na nga baka mamaya mahuli pa tayo ni Maam at ipadala pa tayo sa detention room." Tinanguan ko nalang sya at nakinig sa lessons ng teacher namin.

After a while dumating na din sya and he just did what I did before. I'm looking at him pero hindi nya naman ako pinansin! Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, ano nga ba talagang gusto ko?

Dumating ang break time at nandito na kami ni Denise sa isang table sa cafeteria habang si Zione at yung maldita naman ay nasa unahang table namin.

"Bes kung ice cream lang yang si Zione at Khrystel sigurado ako tunaw na tunaw na yan sa titig mo." Pranka talaga tong magaling kong best friend ea.

"Bes sa tingin mo ba galit si Zione sakin dahil sa sinabi ko? Masyado bang below the belt yun?" Tanong ko.

"Ano pa nga ba sa tingin mo?" Sagot nito bago sumubo ng fries.

"Sweetheart can you order some lasagna and milkshake? I like that one." Nakapout na sabi nung maldita. May nalalaman pang I like that one shunga naman magbilang! Dalawa kaya yung order nya,tanga talaga!

"Sure. Ano pa? Yun lang ba?" malambing na sabi ni Zione, isa pa ring tanga to ea hindi nya alam ginagawa lang syang katulong.

"Yes. Ahm naalala ko na pati pala bottled water ha,thank you." She added. Sa tingin ko talaga aabot na sa boiling point yung kumukulo kong dugo dahil sa kanilang dalawa ea.

"Hoy Amber kawawa naman yang paper cup sa kamay mo. Tingnan mo nga lukot na lukot  na." Reklamo ni Denise.

"Ea kasi naman Bes, nagseselos lang naman ako sa kanila." I whispered while pouting.

"Gaga ka talaga! Kanina tinatanong ka ni Zione kung ano-anong sinabi mo dun sa tao tapos ngayon tama naman pala ang hinala nya! Sa susunod ha bes,isip muna bago salita." Inirapan ko nalang sya at saka tiningnan ulit yung dalawa.

Sinusubuan ni Khrystel si Zione habang yung isa naman napatingin sakin. Nagkunwari akong sa iba nakatingin but I failed, I always end up getting caught with his glances.

"Tara na Denise,we need to go back." agad ko syang hinila.

"Wait lang di pa ko tapos kumain ea!" Bwisit to ngayon pa nagreklamo!

"Okay na yan!" Saway ko sa kanya saka kami lumabas ng cafeteria.

I sighed dahil halos hindi na ata ako humihinga kanina pa. Kinakabahan ako kapag tinitingnan nya ko derekta sa mata.

"Bes hindi pa nga pala kami okay ni Draze, can you help me? Punta tayo mamaya sa kanila." Aya sakin ni Denise. Ayoko mang tanggapin pero panahon ko na to para tulungan sya.

"Sure,no problem." I said and gave her a genuine smile.

After our class ay agad kaming dumeretso sa bahay nila Zione. Good thing dahil wala pa sila pero hindi ko parin maiwasang isipin na hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila ni Khrystel.

"Draze please, kausapin mo naman ako." Patuloy parin sa pangungulit si Denise.

"Para saan? Para lokohin mo ulit ako? Kuya explained everything at pinaniniwalaan ko naman yon pero Denise sana naman sinabihan moko. I'm your mate and do you know that when I already owned something I badly want it for myself,only. Obsess na kung obsess pero gusto ko akin ka lang!" Kung mag-usap sila kala mo wala kami dito ah.

"Kaya nga nandito ako hindi ba? Naiintindihan naman kita Draze pero sana naman intindihin mo din ako! Please?" Draze smiled faintly before speaking.

"Pag-iisipan ko muna." Pagkasabi nya non ay agad syang umakyat sa taas, sinundan naman sya ni Denise.

"Pabayaan na natin sila, I guess Draze just need something." Rinig kong sabi ni Kuya Kyzen.

"Yes. Something that can satisfy his thirst and only Denise can give that." sabat naman ni Kuya Zrylle.

"You mean sex?" Sus painosente pa tong si Zylver.

"Bingo!" Kuya Hyzer said.

"Can you all stop? Pabayaan nyo na lang sila, malalaki na yang mga yan." I rolled my eyes after hearing that. Hinahayaan lang nila ang isa't-isa, but in some point naiintindihan ko na din sila. Draze need it,desperately.

"Nga pala Kuyas pwede po bang magtanong?" Sabi ko at lahat naman sila ay tumango pwera kay Zylver.

"Nasan po si Zione? Bakit hindi pa sya umuuwi?" I asks.

"Ang alam ko..." biglang napatigil sa pagsasalita si Kuya Ryzel.

"Nasa mall sya kasama si Khrystel." Bigla akong napatingin kay Zylver ng magsalita ito.

"Are you sure?" He simply nod as an answer.

"Kainis naman! Kapag ako hindi nya masamahan samantalang yung babaeng yun anytime,anywhere game sya! Argh~!" I murmured.

"Stop murmuring kung naririnig ko lang din. Pinahintulutan sila ni Papa kaya sya ang sisihin mo." Dagdag pa nito.

"Huh? Fine I would not asked questions about him again." Sabi ko bago nanahimik pero maya-maya pa ay nabored ako.

"Zylver?"

"Hmm?" Tanong nito habang nakatingin sakin.

"I love you." I said seriously.

"Wag ka nga,baka maniwala pa ko!" Tinawanan ko sya matapos nyang sabihin yan.

"Stop! Yung totoo ano yun?" Seryoso nyang tanong.

"Can you give me---" he cut my words with his finger.

"Alam ko na. Just wait here." Sabi nya bago pumunta ng kusina. Maya-maya pa ay dala nya na ang gusto ko.

"Don't be upset with Zione okay? Now, eat." He pat my head bago ibinigay sakin yung ice cream at umupo sa harapan ko.

"Iba ka talaga Zylver, you can easily understand Amber. You'll be a good mate to her,if ever na mas nauna ka. I'm really sure." Nginitian lang ni Zylver si Kuya Zrylle at ako naman hindi na sila pinansin at kumain nalang.

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon