Thirty Ninth Kiss

665 31 23
                                    

This Chapter is dedicated to qwerty8876 ,salamat ng marami sa suporta...

Lahat ng nangyari simula nung una ay panaginip lang ni Amber. Walang Zione na nage-exist,nananatili syang virgin at hindi malaman kung bakit tila napakahaba ng panaginip nya.

At dito nagtatapos ang An Angel's Kiss...

The End

Whahahahaha~ Gusto ko sana tapusin ito sa ganitong ending ea,kaso para naman akong nagtype para lang sa wala hahaha. Joke lang ulit yun!😂😁😀. Pero kung ganito ang ending nito,anong masasabi nyo? Haha by the way,let's just continue the story...

Amber's POV!

Bigla kong naalala kung paano nya ako napapayag...

Nagpapahinga ako sa kwarto habang si Zione ay kasalukuyang nagshoshower. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. Unregistered number,sino naman kaya ito?

"Hello?"

"Hello Amber. So,kamusta naman kayo ni Zione? Talaga pa lang sumama ka pa sa kanya,para ano? Mabuhay ng masaya? Pwes nagkakamali ka! Hindi ko hahayaan yon,hindi ako papayag na magsama kayong dalawa!" Ang malumanay nyang boses ay nagiging matapang at sarkastiko.

"Hayaan mo na kami ni Zione. Dahil kahit anong gawin mo hindi mo kami mapipilit na tanggapin ka! At mas lalong hindi ko sya iiwan dahil lang sa isang kasinungalingan." Hindi ako magpapatinag sa kanya,mahal ko si Zione at paninindigan ko yun!

"Talaga ba? Pero sa tingin ko babalik ka din sa amin gamit ang sarili mong mga paa." Napakunot ang noo ko,anong ibig nyang sabihin.

Biglang lumabas si Zione ng banyo at ngayon ay kinukuskos nya na yung buhok nya ng towel,kaya hindi na ako makapagsalita. Papatayin ko na sana ang tawag ng may mapansin ako. Isang maliit na pulang ilaw ang nakatapat sa ulo nya at doon ko lang napagtanto na laser gun yon!

"Tingnan natin kung hanggang saan mo sya ipaglalaban. Kayang-kaya kong kunin ang buhay nya ngayon,isang kalabit lang Amber paniguradong mamamatay na sya." Napatigil ako. Anghel ba talaga sya o demonyo?

"Pero kapatid ko sya hindi ba?" Mahina kong tanong. Buti nalang ay malayo-layo sakin si Zione.

"Bakit? Hindi naman ako ang kinikilala nyang ama. Tinalikuran ko ang pagiging Seraph ko para kay Angelique pero mas pinili nya ang demonyong yon! Kaya wala na akong pakialam kay Zione,ipaparanas ko sa kanya kung paano mawalan ng minamahal sa buhay. All I need is to forget them,and I need you in order to do that. Sayang naman ang inenvest ko sayo,hindi ba?" Gusto ko na namang umiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Oo sya ang nagpaaral sakin,pinapadalan nya kami ng pera at gamit pero hindi parin ito ang nararapat na kabayaran.

"Anong gagawin ko?" Wala sa sarili kong tanong.

"Leave him or else I'll kill him in front of you. Pagbibigyan kita,hihintayin kita sa inyo hanggang sa isang araw. Pag-isipan mong mabuti ang lahat ng ito,Amber. I'll wait for you until morning." Hindi na ako nakasagot at namalayan ko nalang na wala na akong kausap.

Hindi ko lubusang maisip na mangyayari ito ngayon. Ang binigay nyang oras ay tapos na. Mamayang gabi ay kailangan ko ng iwan sya...

"Amber may problema ba?" tanong nya habang halata sa mukha nya ang pag-aalala.

"Ah wala,wala kumain na lang tayo." I give him a faint smile before eating my breakfast again.

Pinilit kong kumain para hindi sya makahalata kahit ang totoo ay walang gana ang tyan ko. Hindi ko maisip na kailangan ko syang iwan,lalo na ngayon.

"Anae wag mo akong iiwan ha?" Bigla akong napatingin sa kanya. Kasalukuyan kaming nanunuod ng TV.

"Ha? Bakit mo naman biglang nasabi yan?" Nagkukunwari kong tanong.

"Basta. Just say that you won't leave me,stay with me please?" Hindi ko sya kayang sagutin kaya tumango nalang ako. Kahit na iyon ang gusto kong gawin at wala akong magawa.

Naging normal lang ang buong maghapon namin. Ang lagi ko lang ginagawa ay titigan ang mukha nya at kinakabisado ang bawat detalye nito habang abala sya sa ibang gawain. Ngayon ay pareho na kaming nakahiga sa kama. Nakayakap sya sakin habang ako ay nakasiksik sa leeg nya. I like his manly scent,at panigurado mamimiss ko to.

"I love you,Amber. Good night,sweet dreams din dahil gusto pa kitang makita bukas." Napangiti ako pero unti-unti rin yong nawala.

"Mahal na mahal din kita Zione,mahal na mahal." Sagot ko saka nagpanggap na natutulog.

Nang masigurado kong mahimbing na syang natutulog ay maingat akong tumayo para mag-impake at magbihis. Bahagya akong naiiyak,kahit labag sa loob ko ay kailangan ko itong gawin.

Hinalikan ko ang noo nya at hinaplos ang pisngi nya. "Patawarin mo ko Zione,mahal na mahal kita." Sabi ko bago tuluyang lumisan.

It's time...time to surrender him just for him to live.

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon