Amber's POV!
"Amber?" I heard him saying my name but I just give him a stern look.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa kanya. Kada makikita ko sya mas lalo lang akong nasasaktan,akala ko kasi dahil pareho kaming walang past magiging maganda ang pagsasama namin pero hindi ko inaasahang sa lahat ng tao..best friend ko pa!
Inilapag nya lang ang gamit nya at saka ako niyakap. Pero sa ginawa nya mas lalo lang akong nasaktan. Ilang beses nya na kayang niyayakap si Denise? Pinaghiwalay ko ang mga kamay nya bago lumayo.
"May problema ba Amber?" Yes! And my problem is you!
"Wala. Sige na uuwi nako." Sinukbit ko na yung bag ko at saka sya tinalikuran pero hinatak nya ako pabalik.
"Alam kong meron! Hindi mo ba alam na sobrang akong nagworry sayo? Halos hindi nako makakain Amber,hindi ko alam yung gagawin ko. Kaya please wag ka namang ganito." Mas lalo ko lang gustong umiyak ngayon.
"Kaya pala.. kaya pala kasama mo si Denise kanina at nakikipaghalikan ka pa! Sabihin mo nga Zione,am I not enough?" Halatang nagulat sya sa sinabi ko so it means totoo?
"Mwo? I mean,what? Ako hinahalikan si Denise? At saan mo naman nakuha yan ha Amber?" P*ta at talagang nagiging sarcastic pa yung pananalita nya ha.
Agad kong inilabas isa-isa yung picture at ibinato sa kanya. "Then how can you explain those? Wag mong sabihing mali lang ako ng akala Zione,dahil hindi ako bulag nga pala alam na nga rin pala ni Draze yan." I give him a cold smile before walking away from him pero bigla nya kong hinabol at niyakap.
"Mali ka ng akala Amber,yes maybe Denise is hugging me because she was comforting me. The second picture naman pinupunasan nya yung luha ko dahil umiiyak nako sa sobrang pag-aalala sayo and yung third picture it's just the camera's angle and don't try to question it cause nag-aral ako ng photography dati." Totoo ba lahat ng sinsabi nya? Seryoso ba sya na camera angle lang yun? Gusto ko syang paniwalaan,gusto ko din syang yakapin kaso lang nagdadalawang isip ako.
"Amber please believe me. Si Denise mahal sya ni Draze at hindi ko kayang gawin yon sa kapatid ko,lalong-lalo na sayo. I'm only yours remember?" Hindi ko sya pinakinggan nagpumiglas ako at naglakad palayo sa kinatatayuan nya.
"Amber please,I will do anything for you to believe me. Just don't leave me like this,please." His voice suddenly broke. Umiiyak ba sya?
"Iba talaga pag-inlove na kahit lumuhod gagawin pa. Bahala ka na dyan ha Zione,ayusin nyo yang dalawa." Saktong paglingon ko ay pag-alis nila. I saw him kneeling on the floor while tears are going down through his face.
Ayoko na nanghihina na yung puso ko. Ayoko syang nakikitang nasasaktan,alam kong masyadong mabilis,na nung una nagdadoubt pa ko kung mahal ko na ba talaga sya pero ngayon sigurado nako. I love him, I trully do!
"Ano ba Zione tumayo ka na nga dyan!" Sabi ko pero ayaw nya naman tuminag.
"Sige ka aalis nako."
"No! Hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka naniniwala sakin." Haist! This boy...
"Oo na nga naniniwala nako. Tumayo ka na nga kasi."
"Ayaw,napipilitan ka lang."
"Bahala ka aalis na talaga ako." Naglakad nako palayo ng bigla syang tumayo at niyakap ako.
"Sorry na kasi Anae, alam mo namang hindi ko kayang gawin yon sayo hindi ba?" Tama naman sya ea at saka hindi rin naman ako lolokohin ng bestfriend ko.
"Nako nga! Ipakita mo sakin na talagang camera angle lang yon at kapag napatunayan mo,bati na tayo." I said and pout. Asus! Nagiging demanding na ata ako.
"Teka nga ano yan?" Tanong nya sabay turo sa labi ko.
"Ah eto ba? Ahm nakagat ko kasi kanina yung labi ko at hindi ko namalayang nagdudugo pala." Sige Amber palusot pa!
"Aist! Sa susunod kasi mag-iingat ka ha. Come here, kikiss ko nalang para gumaling na." Agad akong lumayo sa kanya,saulado ko na ang senses nya, alam kong oras na maamoy nya yung scent ni Zylver ay panibagong away na naman to.
"Ah eh masakit kasi masyado kahit na mabunggo lang. Sorry but I can't kiss you." A lie is always been a lie.
"Talaga ba? O may tinatago ka lang?" He's now eyeing me.
"Wa..wala ah."
Zione's POV!
I can sense that there's something,may tinatago talaga sakin si Amber. Hinigit ko yung bewang nya at inilapit sya sa akin,I was about to kiss her when I stopped. That's it... ngayon alam ko na.
"Mas mabuti pa nga kung umuwi ka na. Saka nalang tayo mag-usap." I said coldly.
"Pero..."
"I SAID GO HOME! AKALA KO BA AKO YUNG MAY HINALIKAN,HINDI KO ALAM NA BINIBINTANG MO LANG PALA SAKIN ANG GINAGAWA NYO NI ZYLVER!" Sabi ko at saka sya iniwang mag-isa. This is the second time and I just can't bear this anymore!
------
Sorry na guys if this chapter is too short at kung puro away nalang yung nangyayari. Wala po kasi akong maisip na magandang update. By the way, I want to meet new friends here. Lalo na po yung Myungzy Shipper kagaya ko at ExoFinite lover. Pm nyo lang po ako di ako snob promise!
Story update: #231 in Fanfiction.
Keep supporting me guys! Leave some votes and comments. Thank you!😀😍😘
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fanfiction[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!
