Twenty Fourth Kiss

932 37 0
                                    

Happy 3K reads to us guys! Still counting,sobrang saya ko po talaga. Maraming salamat sa suporta. Okay back to the story...

Amber's POV!

Hindi ko alam pero sobrang sakit. Alam ko namang kahit magpaliwanag ako ay hindi nya naman ako papakinggan. Nagsasawa na ata ako sa ganitong sistema namin. Nakita kong pababa si Kuya Ryzel ng hagdan kaya nagpaalam nako sa kanya.

"Kuya mauna na po ako." Sabi ko at saka nagbow.

"Aalis ka na ba talaga kahit umiiyak ka? Baka kasi may mangyaring masama sayo." Kinapa ko ang mata ko at oo nga umiiyak ako.

"Yes Kuya,I can handle this."

"Kakausapin ko si Zione and I will make sure that everything will be alright. Mag-iingat ka ha." He hugged me for a while at saka lumayo sakin. I started walking out of their house pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

"Sana pagbalik ko okay ka na, I'm sorry if I can't stand myself. Patawarin moko Zione." Kasabay ng pagpikit ko ay ang sabay-sabay tulo ng mga luha ko.

Paglabas ko ng subdivision nila ay agad akong nag-abang ng masasakyan. Kailangan kong magpahinga kahit saglit, ayoko muna syang isipin kahit ngayon lang.

Zione's POV!

Hindi ko ginustong iwanan sya pero sya narin naman ang gumagawa ng paraan para lumayo ako sa kanya. Yung isang beses matatanggap ko pa pero kung paulit-ulit na, hindi ko na alam! It's already 7:34 pm at alam kong malapit na din nila akong tawagin para kumain.

"Zione bumaba ka na kakain na tayo." Oh well,speaking of them.

"Yes Kyzen Hyung,susunod nalang po ako." Sagot ko. Inayos ko lang ang sarili ko bago bumaba.

"Oh bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong ko pagkababa ko.

"Nagtext kasi si Papa hintayin na daw natin silang tatlo." Hyzer Hyung said.

"Tatlo? Sino yung isa?" Nagtataka ding tanong ni Draze.

"Mollayo, basta sabi nya lang he want us to meet someone." Sagot naman ni Kuya Zrylle. Mollayo means I don't know.

"Sila Papa at Mama talaga full of surprises!" Sabi ni Zylver pero hindi ko lang sya pinansin.

"Nga pala Zione okay na ba kayo ni Amber?" Umiling lang ako kay Kuya Kyzen.

"Waeyo? I thought napatawad ka na nya?" Tumango ako bago sumagot.

"Pero ako hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya. One is enough but being involved for the second time is too much,right Zylver?" I stated while raising one of my eyebrows.

"Hinahamon mo ba ako ha Zione? Alam mo alamin mo muna kasi ang nangyari bago ka magsalita ng tapos. Wag mo hintaying pagsisihan mo lang ang lahat." Sagot nito na bahagyang nagpatawa sa akin.

"You know what kung ikaw lang din naman ang magtetestify sa sarili mo hindi kita paniniwalaan." I scoff.

"Don't worry alam ko na naman na sasabihin mo yan." He answered confidently.

"Can the both of you stop? Ang hirap ninyong kausap pareho! Doon sa kusina maraming kutsilyo try nyo kayang magsaksakan?" Pareho kaming natahimik dahil kay Kuya Ryzel.

"Alam mo kasi Zione---" biglang napatigil si Kuya Hyzer sa pagsasalita ng biglang dumating sila Papa at Mama.

"Nandito na kami!" Excited na sabi ni Papa.

"Nakahanda na pala lahat ea,mabuti pa hon ipakilala na natin sya sa kanila." Tugon ni Mama. Halos lahat kami ay nakakunot ang noo at hinihintay ang sinasabi nila.

"Iha tara na." After what Mom said ay lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang.

Her hair is black and straight,she's wearing croptop and rip jeans. Familiar ang maamo nyang mukha ngunit hindi ko sigurado kung tama ang hinala ko.

"Teka nga,is that you Khrystel?" Tumango sya bago nagsalita.

"Hello,its too good to know na naaalala nyo pa pala ako. I miss you all guys! Khrystel Hera Anderson is back!" At least now I know that I'm right.

"You changed a lot princess." Hyzer Hyung said.

"At hindi ka na si Sipunin hahaha." Panunukso sa kanya ni Kuya Ryzel.

"Hindi ka na din payatot." Dugtong ni Kyzen Hyung dito.

"Di ka na maliit." Kuya Zrylle.

"Bumalik ka na nga no blood!" Pati si Draze ay sumali na din.

"Pero kahit malaki na ang pinagbago mo tama parin ang hula ko, flat ka nga talaga hahaha." Zylver said while laughing.

"Grabe kayo sa akin ha! Pero infairness namiss ko kayo ng sobra!" She giggles.

"Zione hindi mo man lang ba babatiin si Khrystel?" Bigla ata akong natauhan dahil kay Kuya Hyzer.

"OMG! I miss you a lot sweetheart." She jump in excitement before hugging me tight.

"I miss you too." I whispered on her ears.

"So kamusta naman ang Lionel Brothers?" Tanong nya muli.

"We're doing fine." Lahat kami ay sumang-ayon kay Kuya Zrylle.

"Yes. But we just missed you A LOT!" Ngumiti sya dahil sa sinabi ni Hyzer Hyung.

"Group hug!" Banat ni Draze at saka kami naggroup hug.

"Oh mamaya na yan magsikain muna tayo." Utos ni Papa bago umupo sa head seat ng dining table.

We started eating our dinner at hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Khrystel. Ano kaya ang magiging papel nya ngayon sa buhay namin? Dapat ba akong mabahala sa pagbabalik nya? O dapat akong makahinga ng maluwag dahil baka bumalik ang dati?

She's unique. Nung mga bata pa kami naligaw sya sa teritoryo namin, ang buong akala namin magiging threat sya dahil sa human sya pero mali kami cause we CAN'T smell her blood. That's the reason kaya tinatawag sya ni Draze na no blood.

"Zione baka naman matunaw si Khrystel dahil sa tingin mo." Nang-iinis na sabi ni Ryzel Hyung.

"Haha nakakatawa ka Hyung!" I sarcastically answered. Saglit pang nagtama ang mga mata namin ni Khrystel bago sya ngumiti. Mga ngiti na naging dahilan para mahulog ako sa kanya.....dati.

------

Oh yeah! Another cast from their past. Sorry na po guys hahaha. By the way highway, Khrystel Hera Anderson will be portrayed by Kristal Jung. Since friends po sila ni Myung Soo ko pinili ko nalang po syang isama sa story. Akala ko nga hindi nako makakapagupdate dahil nawala ang cellphone ko buti nalang talaga binalik pa sya. O sya enjoy reading guys! Leave some votes or comments! Xoxo:8

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon