This chapter is dedicated to SnowforSnoopy. Salamat sa paglalaan ng time sa pagbabasa ganun din sa votes at comments.
Zione's POV!
Nagising na ako pero nananatiling nakasarado ang mga mata ko. Nakangiti kong niyakap si Amber pero nagulat ako dahil wala sya sa tabi ko. Agad akong napatayo pero iniisip ko pa din na nagpreprepare lang sya ng breakfast naming dalawa.
Pumunta ako ng banyo at ginawa ang morning rituals ko. After that excited akong bumaba para puntahan sya sa kusina pero nabigo ako,wala sya doon. Sinimulan na akong kabahan,I tried finding her in each room pero wala hindi ko sya nakita. Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa garden,nagbabakasakali na baka nagdidilig sya ng halaman pero nabigo ulit ako.
Wala sa sarili akong bumalik sa kwarto namin. Binuksan ko ang cabinet at wala na nga ang mga gamit nya. Akala ko ba hindi nya ko iiwan? We promised.
Wala na akong nagawa kundi umiyak. Nakakabaliw,wala akong makausap. Pakiramdam ko wala akong naiintindihan sa mga nangyari,na wala na akong dahilan para mabuhay pa.
"Amber why do you have to leave me now? Why do you have to leave me when everything's fine?" I asked to my self while crying.
I immediately drive to her home. Hindi ko na alam kung anong pinaggagagawa ko pero kailangan ko syang ibalik sakin.
"AMBER LUMABAS KA DYAN,HARAPIN MO KO!" Sigaw ko mula sa labas ng bahay nila.
"PLEASE AMBER,JUST COME BACK TO ME!" Wala akong pakialam kung gumagawa na ako ng eksena.
Nagpatuloy lang ako sa pagsigaw hanggang lumabas si Tito Nathaniel. He's just wearing a playful smile na parang tuwang-tuwa sa nangyayari.
"It's nice meeting you again my son." Napailing ako ayaw nya talaga kaming tigilan!
"Walang nice pag nakita kita! Ibalik mo na sa akin si Amber!" Nagmamatigas kong sabi pero ngumisi lamang sya.
"At sa tingin mo babalik pa sya sayo? Kung ganoon nananaginip ka lang." I frowned,anong ibig nyang sabihin?
"Don't hope too much cause she won't come back to you anymore,i'm sure." He whispered before leaving me dumbfounded.
Pinili kong maghintay kahit na walang kasiguraduhan. I choose to stay kahit na hindi sya lumalabas. Nanatili ako sa tabi nya kahit hindi nya hiniling,kahit hindi nya alam. Maya-maya pa ay gumabi na kaya napagpasyahan ko ng umuwi.
"I love you." I muttered before turning my back pero hindi ibig sabihin noon ay sinusuko ko na sya. This is just the beginning.
Days had passed nananatili ako sa bahay kasama nila Kuya at Mama syempre pati na din si Papa. They said na bigyan ko muna ng space si Amber pero hindi ko na kaya. Nasasaktan nako ng sobra.
Nagdrive ako ng nagdrive until I reached a bar? Pumasok ako sa loob,ang ingay,maraming kakaibang amoy ng alcohol at ang daming tao. I reached the counter at inorder ang pinaka matapang nilang vodka. I give her enough space siguro naman ngayon okay na yon.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka bumitaw! Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako kailangang iwan! Bakit ngayon pa kung kelan kailangan kita?" Bigla akong natawa,para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
After a while I felt so dizzy. First time kong malasing,first time kong uminom ng alcohol at ang susunod na nangyari is I found myself standing in front of her house.
Nanatili akong nakatingin sa bintana ng kwarto nya. Pero napatigil yon dahil sa isang tawag.
"Hello?"
"Zione umuwi ka na,lumabas na ang resulta ng DNA test." Pagkarinig ko noon ay agad kong pinatay ang tawag at pinaharurot ang kotse ko pabalik ng bahay.
They are all gathered in the family hall. Lahat sila ay masinsinang nakatingin sa tatlong envelope sa ibabaw ng mesa.
"I'm here." Sabi ko bago umupo sa tabi ni Kuya Ryzel.
"Shocks amoy alcohol ka!" Reklamo ni Kuya Zrylle sabay takip ng ilong nya.
"We dont have time for this. Tingnan mo na ang resulta ng DNA Zione." Tinanguan ko si Papa at kinuha isa-isa ang envelope...
I need to know the truth!
Amber's POV!
Simula nung nakita ko si Zione sa labas ng bahay namin ay gustong-gusto ko na syang yakapin.
"Dito ka lang ha Amber,pupuntahan ko lang sila Kuya sa ospital." Hindi ko sya pinansin,kasalanan nya kung bakit nasa ospital ngayon si Papa. Kasalanan yon ng demonyong ito!
Nagmamadali syang umalis. Wala na akong ginawa kundi maghintay sa loob ng kwarto ko. Kinandado nya ang pintuan sa labas para hindi daw ako makalabas at makatakas. Isa talaga syang demonyo!
Umupo ako sa kama at nag-iiyak,ilang araw na ako dito sa kwarto. Hindi na rin ako makakain ng maayos dahil nag-aalala ako kay Zione panigurado ay galit sya sa akin.
Bumuhos ang malakas na ulan at bukas pala ang bintana ko kaya tumayo ako para isarado yun ng mapansin kong may tao sa labas ng gate namin.
Then there I saw him,basang-basa na sya at nakatingin sya sa akin. Agad akong napabalik at nagtago sa gilid.
"AMBER NAKITA NA KITA. PLEASE DON'T DO THIS TO ME,BUMALIK KA NA SAKIN. I NEED YOU,MY LOVE. PLEASE COME BACK." Halos pumiyok na sya,paniguradong umiiyak na sya ngayon.
I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"PLEASE AMBER,NAGMAMAKAAWA AKO SAYO BALIKAN MO NAKO! WALA NA TAYONG DAHILAN PARA IWASAN PA ANG ISA'T-ISA,HINDI NA NATIN KAILANGANG MANGAMBA PA. PLEASE,COME BACK!" Hindi na ako makapagsalita nanginginig kong inabot ang lock ng bintana para isarado ito pero napatigil ako...
"WAG MO KONG TALIKURAN NG GANITO. WAG MO KONG IWAN. HINDI NA TAYO DAPAT MANGAMBA PA DAHIL HINDI TAYO MAGKAPATID." And those words stopped me.
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fanfiction[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!