Amber's POV!
After 3 months.....
"Bes ano nasaan na daw sila?" Tanong ni Denise sakin.
"Kakatext lang sa akin ni Zione,on the way na daw sila." Sagot ko matapos tingnan ang screen ng cellphone ko.
Today is the day,sa wakas after napakatagal na paghihintay...gragraduate na din kami. Magna Cumlaude pa ako haha,dapat nga daw ako ang highest honor ang kaso nakaapekto yung absences ko.
"Sorry Anae,we're late." Salubong na bati sakin ni Zione bago ako hinalikan sa pisngi.
"No you're just in time. Magsisimula pa lang ang program." sagot ko bago sya nginitian.
"Oh sya Zione at mga Iha pupunta na kami sa upuan namin. Congratulations,you all did a great job." Nginitian ko si Tito matapos nyang sabihin yon.
"Thank you po."
Sabay-sabay na silang umalis,we didn't expect na mababago pa namin ang nakatakdang mangyari. It's a hard challenge pero pare-pareho naman nila yung nalagpasan. Lahat sila ngayon ay nandito,si Mama at Papa,sila Tito at Tita (which is Denise's parents),sila Mommy at Daddy at ang Lionel Brothers.
Kaya na nilang kontrolin ang uhaw nila ngayon kaya nagagawa na nilang lumabas pero syempre si Tito pa din medyo strict kaya pili Lang ang lugar na pwede nilang puntahan.
"Anae ayos lang ba yung contact lense ko?" Tanong ni Zione sa akin. Well,ginagamit niya to kapag wala sya sa bahay at pag pumapasok ng school para daw magmukha paring natural ang kulay ng mata nya kahit nagbabago ito ng kulay.
"Bakit bago ba yan?" Tanong ko pabalik kaya tumango lang sya.
"Yeah,namili kasi si Papa ng bago pati rin kasi sila Kuya at Draze kailangan gumamit eh." pagpapaliwanag nya.
"Okay lang parang walang nagbago. Oh sya tara na baga maiwan tayo ng pila." Ngumiti sya bago binitawan ang kamay ko,sa dulo pa kasi ako pupunta.
Nagsimula na ang program,after magbigay ng mga guest speaker ng inspirational message ay isa-isa na naming tinanggap ang diploma. Ang saya,ngayon ko lang naramdaman na sulit ang lahat ng pinaghirapan ko at lalo na ngayon hindi na lamang ako ang mag-isang humihinga.
"For the great honor and being the Magna Cumlaude let's give a round of applause for Amber Venice Villareal." Every step that I take makes me nervous,ang sarap sa pakiramdam na marinig ang palakpak ng napakaraming tao.
Nang marating ko ang stage ay inabot ko ang aking diploma kasama ng certificate at medal. Humarap ako sa naparaming tao pero tanging sya lamang ang nakikita ko. The guy that I love the most at ang lalaking hindi ko kahit na kailan mang pinagsisihang makasama.
After ng awarding at graduation ceremony ay nagtungo kami sa bahay nila Mommy at Daddy. Kasama ang buong pamilya ko at ni Denise para daw formally na naming maintroduce ang isa't-isa.
"Congratulations mga Iha at anak,lahat kami ay proud sa inyo." Sabi ni Mommy habang nakangiti.
"Lalo ka na Amber,hindi biro ang pagiging great honor. Talaga nga namang ipagmamalaki ka ng Mama at Papa mo." Nakakaflatter naman ang sinabi ni Tito.
"Oo nga sobrang proud nga kami sa batang ito,saka gusto ko ring magpasalamat sa inyo Mr. and Mrs. Lionel nag-abala pa kayong maghanda ngayon." Sabi ni Papa.
"Nako wag na kayo masyadong maging pormal,Damon at Angelique nalang ang itawag nyo sa amin besides magiging balae ko na naman kayo sa future hahaha."
"Oo nga eh hindi ko naman akalaing magkakaroon ang anak ko ng boyfriend at anak mo pa. Parang dati pinagdadala ko lang ng cupcakes dito yan." Sabat naman ni Tita sa usapan nila.
Napatawa kaming lahat naalala namin kung paano nagkakilala si Draze at Denise. Ang bilis talaga ng panahon parang kahapon lang namin nakilala ang isa't-isa.
"Osya kumain na muna tayo at mamaya ay ibigay na natin ang mga regalo natin sa kanila." Tumango lang kaming lahat at nagsimula ng kumain.
After eating our dinner ay nagtungo na kami sa sala. Isa-isa nilang inabot ang regalo nila sa aming tatlo at saka umupo ulit. Lumapit naman sakin si Zione at ibinigay ang isang silver box. Si Draze naman inabot kay Denise ang isang red shining box.
"Oh kayong dalawa anong regalo nyo sa isa't-isa at kay Zione?" Tanong samin ni Hyzer Hyung.
"Actually I didn't prepare anything pero I have an announcement to make." Sabi ni Denise,aba sakto ako din eh hahaha.
"Me too. I have something to tell you." Sabi ko,napatingin kami sa kanila tila iisa lamang ang ekspresyon ng mga mukha nila,at lahat ito ay nagtatanong ng 'ano?'
"Kung ganon edi sabay na lang kayong magsabi." Wika ni Kuya Kyzen kaya parehas kaming tumango ni Denise.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanila. Kinakabahan ako. "In the count of three sabay kayong magsalita okay?" Tumango kami at naghintay.
"One.....two.....three."
"I'm three months pregnant." Ako/Denise.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Denise na sa una ay parang nagtataka at kalaunan ay natawa na. Akalain nyo yun sabay pa kami? Hahaha,best friend goals.😂
Lumapit sa akin si Zione na parang hindi pa makapaniwala. "Is that true? Hindi mo na talaga ako niloloko?" Tumango ako while giving him the sweetest smile.
"YES! MAGIGING DADDY NA AKO! ANG SAYA!" Sigaw nya habang nagtatalon pa.
"Hindi nga seryoso?" Tanong nya ulit.
"Oo nga." Sagot ko kaya binuhat nya ako at inikot-ikot pa bago tuluyang binaba at niyakap.
"I love you." He said as his forehead touches mine.
"I love you too." And after that he kissed me.
Napatingin kami kay Draze at Denise,umiiyak si Draze,tears of joy ang loko hahaha. Hindi pa man nila nasasabi kung gaano nila kamahal ang isa't-isa ay sigurado na sila dahil sa isang halik.
"That kiss,it started all." Zione said while hugging me.
"And this is our story, An Angel's Kiss story." And we kissed again.
-The End-
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Fiksi Penggemar[COMPLETED] Highest Ranking: #64 in Fanfiction. This story is rated SPG! I'm warning you. If you're under age don't read this but, it's still up to you and please do not report. Enjoy!