"MAGULANG"
Sila yung taong nagbigay satin ng buhay.
At sa atin sila'y laging gumagabay.
At sa problema'y sila ang ating karamay.Paano kapag pumanaw sila?
Kung sila'y kunin ng diyos na lumikha.
Matatanggap mo ba?
Na si INA at si AMA ay wala na.
Noon di ko maintindihan ang pagbubunganga ni Ina.
Na bawal ito, iyan ang gusto ay laging tama.
Minsan ako'y naiirita na.
Kaya ako'y nakakasagot sa kanya.
Pero ngayon naiintindihan ko na siya.
Kung saan siya'y wala na.
Di ko nakita, yung halaga ng sinasabi niya.
Na lahat yun, ay para sa ikabubuti ko pala.
Nagtatampo naman kay Ama kapag dinidisiplina.
Ang alam ko lang noon, doon siya masaya.
Pero yun pala'y nadudurog ang puso niya.
Dahil labag sa loob niya ang kanyang ginagawa.
Ngunit kailangan niyang itama ang maling nagawa.
Dahil walang Ina o Ama na gustong saktan ang anak niya.
Ngayong sila'y wala na.
Doon din nalaman kung gaano sila kahalaga.
Na si Ina at si Ama.
Ay walang ginawa kundi ako'y mahalin nila.
Tinatanong ang sarili at sa Amang lumikha.
Yung pagmamahal ba nila ay nasuklian ko ba?
O nasabi ko man lang ang salitang mahal kita.
Ito na siguro yung sinasabi nila.
Na magsisisi kung saan huli na.
Kung kailan di ko na maipadama.
Yung pagmamahal na sa akin ay hangad nila.
Alam niyo ba kung anong pakiramdam ng isang ulila?
Yung walang Ina, na susuwayin ka.
At yung walang Ama, na itutuwid ka.
Sa tuwing ika'y nagkakamali at nagkakasala.Ang masasabi ko, sobrang hirap.
Dahil kapag may problema ka'y di mo sila mahagilap.
Kahit nalulungkot ka'y di mo sila mahanap.
Dahil wala na sila, nandoon sa taas ng ulap.
Na kahit kailan di mo na ulit sila mayayakap.Mapapaluha ka na lang, kapag naaalala mo sila.
Dahil sa kanila'y ika'y mangungulila.
Tutulo na lang bigla ang iyong luha.
Lalo na sa mga okasyong di mo na sila makakasama.
Dahil danas ko na.
Ang mawalan ng magulang ng maaga.
Kaya kayo, iparamdam niyong mahal mo sila.
Hanggat nandyan pa sila't humihinga't naririnig ka.
Dahil kapag sila'y kinuha na.
Di mo na ulit sila makikita.
Kahit tinig nila'y di mo na maririnig pa.
Kaya hangga't kapiling mo pa sila.
Iparamdam mong masaya ka.
At sabihing salamat at kayo ang ikang naging INA at AMA.