Wag ako

91 0 0
                                    

Hoy babae makinig ka sakin
Base on experience lang naman itong aking sasabihin 
W

ag ka maniniwala dyan sa manliligaw mong mahangin at baka ika'y tangayin
Sasabihin lahat ng matatamis na salita para ika'y pa-ibigin 
Tapos bibilugin, papa ikotin,
Tapos iiwanan kana kapag nakahanap na ng bagong bibiktimahin
Dahil mga lalaki ay jan magaling

Lagi niyong sinasabi kami mga babae ang manloloko tanungin niyo nga sarili niyo
Kung isang beses ba kayo'y nakuntento 
Ni di niyo nga alam yung salitang seryoso
Kaya wag ako, dahil alam ko na mga karakas niyo
Sa una lang kayo seryoso
Pero ang totoo ginagamit niyo lang ang mga babae at niloloko

Alam ko aangal ka
Sasabihin mo bakit nilahat ko na
Ano gusto mo dika isama Maliban na lang siguro kung di ka lalaki at ikay bakla
At di ka naman tataman kung di ka isa sa kanila
Kaya wag ako Kuya
Palusot mong yan sakin di uubra
Pag kaharap mo ang iyong syota
Akala mo banal si tanga
Pero kapag kami'y nakatalikod na
Yung mata'y gumagala
At biglang magiging single kapag may chiks na nakilala Tama naman ako di ba?
Kaya please lang wag kana komontra
Kung di ka naman isa sa kanila
Para ito sa mga lalaking di makuntento sa isa
At pinaglalaruan mga kagaya kong babaeng mahina
Kaya wag kami Kuya
Dahil pulusot moy di sa amin uubra
Kaya please lang tama na Dahil sa panloloko mo'y di na kami natutuwa
Baka sipain pa namin yang itlog mong pinagmamalaki mo sa iba
Kaya please lang makuntento kana

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon