ASUKAL
Pampalasa na nagbibigay ng tamis sa pagkain at inumin.
Pero pag nasobrahan nakakaumay din.
Kagaya ng mga litanya mong mababango.
Noong hinihiling mo pa sa akin ang mahiwagang "OO".
Diba ang tamis ng mga salitang iyong binitawan.
Halos mahiya na nga ang sakit na diabetis sa iyong kasweetan.
Naaalala mo pa ba ng magbiro ka tungkol sa ASUKAL.
Na sabi mo mabubuo lang ang salitang yan kapag tayo"'y KINASAL.
Kasi sabi mo bubuo tayo ng pamilyang masaya at nagmamahalan.
Pero paglipas ng panahon iniwan mo ako at ipinagpalit sa matandang mayaman.
Nagdaan ang panahon, ako'y nakatapos dahil sa aking pagtyatyaga.
Ang pag-iwan mo sa akin ay ginawa kong inspirasyon para umangat at guminhawa.
Nakalimutan kita sa mga panahong nagdaan.
Pero bakit? Pinagtagpo tau ngpanahon at nagkabanggaan.
Nakita mo ako at napakurap sa aking harapan.
Nagtataka ka siguro kung bakit may taga-bitbit ako ng gamit sa aking likuran.
Tinanong kita kung asan na ang sugar mommy mong mayaman.
At dinugtungan ko pa "nakita mo na ang resulta ng biglaan mong pang-iiwan?
Nagpasalamat ako sau, kundi di dahil sa ginawa mo.
Siguro, nag kapamilya tau at ASUKAL siguro ang pinapaulam ko sa mga anak ko.
Pero buti na lang pinagpalit mo ako,
Kasi naabot ko yung mga bagay at pangarap ko...
