GITARA
Instrumentong ginagamit sa pagtug-tog ng musika.
Na sa ibang tao ay nabibigay saya.
Ginagamit din ito sa panghaharana.
Sa babaeng iyong hinahalina.
Kay sarap balikan ng ating kabataan.
Noong uso pa ang damit ni Maria Clara bilang kasuotan.
Yung tipong, ang mga mukha nila'y natatabunan.
Wala pa noong telepono.
Tanging makakalapit sa mga dalaga noon ay ang mga magiginoo.
Wala pang babaeng nagagahasa sa kanto.
Dahil mga damit pa noon ay karespe-respeto.
Kung pwede lang sanang balikan.
Mga ala-ala natin sa nakaraan.
Lalo na nung araw na humarap tau sa simbahan.
At nag isang dib-dib sa harap ng ating mga magulang.
Nangako tau sa harap ng diyos, na magsasama habang buhay.
At magmamahalan at bubuo ng pamilyang matiwasay.
Ngayong anibersaryo natin ako'y nag-iisa.
Dahil kinuha ka ng diyos sa akin sinta.
Wala ng tutugtog saakin ng kanta.
Habang ginigitara mo ang paborito nating musika.
Wala ng ikaw, nabubuhat sa akin sa pagtanda.
Lalong-lalo na kapag ako'y nirarayuma.
Hintayin mo ako mahal ko.
Alam kong malapit na din ako.
Ilang taon na lang magkakasama na ulit tau.
Katawan ko din ay ihihimlay sayong tabihan.
Sa lugar na tahimik, mga patay kanilang tahanan.
Masaya na ako, kapag nagkataon.
Ika'y muling makikita at mahahagkan.
Sa harap ng diyos, na ating pinangakuan.
Nagmagsasama tau hanggang kamatayan.
Konting tiis na lang at magkikita na ulit tau.
Hayaan mo munang linisin at kausapin kita sa lapida mo.
Habang nakatingin sa ulap, iniisip na nginingitian mo ako.
Ang lumikha lamang ang may karapatan.
Na kunin ang buhay na hiniram ko lang.
Mag kakasama tayong muli at makakapiling ang isa't-isa.
Sa hardin ng diyos tayo'y muling magsasama.
Kakantahin natin mga paborito nating kanta.
Na nagsilbing saksi sa pagmamahalan nating dalawa.
.etoNaHugotMo
.
..
