FACEBOOK

149 1 0
                                    

  FACEBOOK
Sa facebook tayo nagkakilala.
Sino naman kasi di maaakit sa gwapo mong mukha.
Idagdag mo pa ang relationship status mo na single ka.
Tapos magpopost ka pa ng selfie na mag-isa.
With caption "forever ko asan kana?".
Isang araw ako'y nabigla.
Mag post ka ba naman sa Wall ko ng "gandang araw ganda".

Dinugtungan mo pa ng "pwede akin kana lang".
Kasi sa buhay ko ikaw na lang ang kulang.
Syempre kinilig ang Lola niyo.
Ikaw ba naman ipick-upline ng crush mo.
Simula nun, todo like ka sa mga post ko.
Magcocomment kapa ng "sana ikaw na lang minahal ko".

Lumipas ang araw, linggo, at buwan.
Nang ako'y iyong simulang ligawan.
Sinagot ko siya makalipas ang isang buwan.
Tapos pakonti-konti nagbago siya kinalaunan.

Kahit ganun inintindi kita.
Mas minahal pa kita ng sobra.
Kahit alam kong binalikan kana niya.
Yung babaeng nang-iwan sayo at nagpaluha.
Naaalala ko pa araw ng monthsary nating di ka pumunta.
Sabi mo may sakit ka at ika'y nakahiga.
Pero kita ng dalawa kong mata.
Na ikaw yun, at siya.
Parang ngayon lang ata ako nakakita ng may sakit na masaya .
At nakahiga? Wow ngayon ako lang din ako nakakita ng nakahiga na sa mall naggagala.

Kaya pala ayaw mong ibigay ang password mo.
At ayaw mo din palitan yung status mo.
Nasaktan ako sa mga sumunod na mga nakita ko.
Sana di ko na lang kayo sinundan kung saan kayo patutungo.
Buti sana kung hawak kamay lang ang nakita.
Pero hinalikan mo sya sa harap ng iba.
Yung halik na pinangarap ko na hindi mo pinadama.
Ang sakit, dahil ni isa nun di mo nagawa sa akin.
Kahit hawiin man lang buhok ko at sa aking tenga ay ipitin.
O hawakan man lang wari kong kamay.
Na sa mga haplos at halik mo'y nalulumbay..
Halos ipagsigawan kong mahal kita.
Pero bakit ganito iyong pinadama.
Ano pa bang kulang?
At ang damdamin ko'y iyong nilinlang.
Mahal kita, kaya di kita kayang iwan.
Hayaan mo ako'y sayo'y magbulagbulagan.
Lokohin mo man ako ng ilang ulit.
Pero hahayaan ko lang, kahit masakit.
Dahil sobrang mahal kita.
Na kahit relasyon nati'y ako na lang nagdadala.
Kaya please, wag mo akong iwan mag-isa.
Kahit pa sabihin nilang ako'y tanga...




Request na.  

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon