SANA AKO NAMAN : BES

69 1 0
                                    


Sa bawat umagang dumadating

 Pag-asa hatid nito saking damdamin

 Pag-asang balang araw mapansin tinatago kong pagtingin

 Na kaytagal kong inilihim.. 

Sa takot na ako'y iyong iwasan at lisanin 

Dahil kaibigan lang ang turing mo sakin Na kasalungat naman ng binubugsu ng damdamin

Ang sakit na makita kang masaya

 Masaya dahil sa kanya

 Yung pangarap kong ako naman sana 

Yung babaeng makikita ng iyong mata 

Na nandito tuwing nasasaktan ka Sa mga panahong iniiwan ka niya 

At nagpapayo sayo tuwing susuyuin siya

 At higit sa lahat yung ako naman sana Yung babaeng mahalin mo kahit pansamantala

Naalala mo ba nung sinabi kong mahal kita

 Sinagot mo pa nga 

Bes mahal din kita 

Pero bilang kaibigan lang ha 

Tanging ngiti na lang ang nagawa 

Pero sa likod nito'y nagbabadyang mga luha 

At pusoy parang pinipiga

Andito ako, kahit ibang tao'y ika'y lisanin 

Nandito ako, naghihintay na ako'y iyong pansinin

 Andito ako, naghihintay na iyong mahalin

 Nandito ako, kahit siya pa ang iyong piliin

 Di hamak naman na mas matimbang siya sakin 

Sapagkat kaibigan lang ang sakin ay turing

Hanggang kaibigan na lang ba tayo? 


Sapagkat may iba kang gusto 

 Samantalang ako minamahal ka na lng ng patago 

Kahit anong pilit ibaling sa iba ang puso 

Di ka parin maiwasan mahal ko 

Dahil sa tuwing pinapaiyak ka niya, sakin ka tumatakbo 

At sakin ika'y na hihingi ng payo Kung paano kayo ulit magkakasundo 

Dahil ayaw mo siyang mawala sa buhay mo 

Pero nakikita mo din ba ako? Yung ako, na laging nandito 

Ako, na bes lang ang turing mo 

At yung ako, natakbuhan mo kapag ikay problemado 

At higit sa lahat yung ako 

Na nasasaktan kapag nakikita kang sa harap niya'y nagsusumamo 

Hanggang bes na lang ba ako?

 Di ba pwedeng pagbigyan mo naman na magkaroon ng ikaw at ako 

Mahirap bang mahalin ang mga bes na kagaya ko

 Yung bes na handang maging martir para sayo

 Yung bes na hanggang ngayon naghihintay na mapansin mo 

Yung mga bes na hanggang kaibigan lng ang turing niyo...

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon