Tapos na ang araw ng mga pusoKumusta naman yung puso kong pira-pirasoKailan kaya ulit ito mabubuoDi ko alam kung kailan at paanoSapagkat hanggang ngayon naghihintay parin akoNa bumalik muli sakin yung mahal koNgunit sadyang tadhana'y mapaglaroBinigyan ako ng rason na sumukoDahil yung taong mahal koPinagtutulakan na ako palayo
Kailan kayo ako magigising sa katotohanang itoNa wala na siya, dahil may iba na siyang gustoGusto kong balikan mga araw na mahal pa niya akoYung mga pangarap naming magsasama hanggang duloPero sobrang nakakapanlumoDahil mga pangarap namin ay parang bula na naglahoSa isang iglap di na akoAng laman at mahal ng mahal ko
Araw-araw mata'y minumulatKasabay ng araw sa pagsikatBuhay ay parang aklatNa bawat pahina'y kailangan ilipatAt puso'y kailangan imulat at ibuklatSa katotohanang siya'y di na parte ng pahina ng aklatSiya'y parte na lang ng nakaraan na kailangang ibaon kung nararapatPara buksan muli ang pahina para sa mga taong karapat-dapatUpang maibsan ang sama ng loob na sobrang bigat
Para humilom na ang sugatIwasan ng ibalik ang ala-ala at ihalungkatBumuo ulit ng storya na iyong isusulatAt sa mundo'y isiwalatNa sa pagkakabigo'y natutuo kang bumalakatKung ano ang tama at dapatPara sa pag-ibig mong tapatNgunit sa kanya'y di sapat