Sa salitang yan, madaming damdamin ang nasaktan.
At mga pusong umasa ngunit iniwan.
Naniwala sa salitang yan, namapanlinlang.
Kagaya ng sitwasyon ko sayo.
Akala ko mahal mo na din ako.
Kagaya ng pag-ibig na alay ko sayo.
Dahil pumayag ako sa kagustuhan mo.
Na gawing panakip-butas ako.
Para makalimutan mo yung taong mahal mo.
Na syang nagdulot ng kirot sa iyong puso.
Kinausap mo ako, kung pwede tayo'y magkunwarian.
Para ipamukha sa kanya na siya ang nawalan.
At sa buhay mo'y sya'y di mo kailangan.
Pumayag ako sa iyong kagustuhan.
Dahil na rin sa aking kahangalan.
Na siya'y iyong makakalimutan.
At matutunan mo din akong mahalin kinalaunan.
Pero nagkamali ako sa aking mga akala.
Dahil isang patawad lang, tinanggap mo na ulit siya.
Ang masaklap ngayon, ay mas minahal kita ng sobra.
Paano naman ako, iiwan mo na lang mag-isa?
Kasalanan ko naman lahat ito.
Kung nung una palang tumutol sa kagustuhan mo.
Ano naman kasi magagawa ko.
Dahil noon pa lang nabihag mo na aking puso.
Nahandang mag pa-uto at magpakatanga sayo.
Mahalin mo lang din ako, mahal ko.
Ngayon tapos na ang ating kunwarian.
Magkukunwari na lang din akong hindi nasasaktan.
Dahil tanggap ko na wala akong laban.
Sa taong iyong pinakamamahal.
Magiging masaya na lang para sayo.
Kahit nasaktan ako sa mga pinakita mo.
Na akala ko damdamin mo nay totoo.
Yun pala'y nabulag lang sa mga akala ko.
Na ngayon syang dahilan ng pag patak ng luha dahil sayo.
At ngayon di na maniniwala sa kasabihang ito.
"Actions speak louder than words".
Because I believe in your actions, that give me the word hurt.
Without hearing from you those special words.
.
HugotLang
