To : my exMay iba't-ibang klase ng lalaki sa mundo
May mabait na palikero
Bastos na maginoo
Panget na nagfi-feeling gwapo
At yung akala mo seryoso
Yun pala manlolokoNaranasan niyo na rin bang umasa
Yung tipong akala mo mahal ka na
Yun pala pam-palipas oras ka lang niya
At yung masaklap pinagparausan ka lang palaAlam nyio mga Bes, ang sakit
Yung tipong parang higad na ako kakakapit
Pero di pala pwede sumingit
Mas masasaktan lang pala pag pinilit
Dahil mas magbabakas lang ito ng hinanakitSana naman, una palang nagpakaotoo kana
Di yung pina-abot ng apat na buwan kapapaasa
Ang masakit magvavalentines pa
Doon mo lang sasabihin sakin na
"Sorry ginawa ko namang mahalin ka"
"Pero ako talaga yung may problema"
"Naapreciate ko lahat ng iyong pang unawa"
"Di ko alam kung bakit di ko kaya"
OO, nasaktan ako ng sobra
Ang saya saya mo na siguro ngayon di ba?
Dahil dagdag ako sa listahan mo ng "Maria Ozawa"
Ipapasa diyos ko na lang yung karma
Na maranasan mo din maiwanang mag-isa
Yung tipong lahat na ng bagay ginawa mo na
Pati sarili'y nabigay mo na sa kanya
Pero di pa din sapat para mahalin ka niya
Dahil may mahal siyang ibaSiguro di talaga tayo yung para sa isa't-isa
Sabi mo nga sakin ng iwan mo akong lumuluha
"I'm so genuine, kaya swerte yung lalaking aking makakasama sa pagtanda"
Dahil ako yung babaeng sobrang tapat at seryoso
Pero bakit ganito yung sinukli mo
Masaya ka ba dahil naloko mo ako
Sana naisip mong masasaktan ako
Dahil di ko deserve yung masaktan ng ganito
Minahal lang naman kita ng seryoso
Pero bakit ako pa yung sobrang apektado.