UNANG PAG IBIG

188 0 0
                                    

  UNANG PAG-IBIG
Unang pag-ibig; first love ika nga ng iba.
Nagsisimula daw ito sa salitang paghanga.
Na nauuwi sa pag-iisang dib-dib ng isa't-isa.
Pero salungat jan ang ating istorya.
Hindi tau humantong sa "happy ending" na sinasabi nila.
Dahil simula pa lang, ako lang ang nagmahal sa ating dalawa.
Ginawa ko lahat, dahil sayo'y malakas ang aking tama.
Parang alak lang di ba?
Sa alak at unang pag-ibig na yan buhay ko'y nasira.
Idagdag mo na din pala ang aking pagiging tanga.
Naaalala mo pa ba mga sulat ko.
Na araw-araw kong pinapadala sau.
Kahit pa kasama mo yung taong mahal mo.
Hindi nahihiyang magpapansin sau.
Sa alak, akala ko mapapasa-akin kana.
At sa unang pag-ibig jan ako nasaktan ng sobra.
Yung araw na nag lasing ka, dahil iniwan ka ng iyong nobya.
Pinasaya, inalagaan at dinamayan kita.
Di inaasahan, ginawa ang bagay na hindi tama.
Ang bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa.
At doon na nagsimula, takbo ng buhay ko'y biglang nag-iba.
At pag-eeskwela'y di na natapos pa.
Pinagpatuloy ko, resulta ng aking kahibangan.
Buong akala ko'y iyong paninindigan.
Pero hindi, dahil iniwan mo ako't tinaguan.
At sa aking pamilya'y naghatid ng kahihiyan.
Kahit ganun ang ginawa mo.
Tinulungan akong umahon ng magulang ko.
Kahit pangarap nila sakin ay aking binigo.
Tinanggap pa din kami ng anak ko ng buong-buo.
Noon sa akin madaming nangutngutya.
Na sa murang edad ako'y naging ina.
Di ko pinansin mga sinasabi nila.
Nasa unang pag-ibig ako'y naging disgrasyada.
Pero kahit ganun, di ko kinitil ang inosenteng bata.
Dahil paniniwala ko'y iba.
Di bale ng ako'y tawagin niyong batang-ina.
Pero sa mata ng diyos desisyon ko'y tama.
At konsensya ko'y malinis at ligtas sa pagkakasala.

.
.
.  

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon