PAGSISISI

78 1 0
                                        

Buhay di madaliNakakagawa ng bagay na mali

At kadalasan tayo'y nagsisisi

Gustuhin man natin ibalik ang dati

Ngunit di na maaariAt pagsisisi sa loob mo ay namumutawi

Siya yung babaeng nagpakita sakin sa mundo

Siya naman yung lalaking minahal ako ng totoo

Paano kapag kailangan mong mamili sa dalawang taong to

Yung nanay mong naghihingalo

Na kahilingan lamang ay makita ka sa mga huli niyang segundo

O yung lalaking nag-aalala sa kaligtasan mo

Dahil delikado sa buntis noon na kagaya koNamatay ang aking Ina

Nang di man lang ako nakikita

Wala man lang akong nagawa

Di man lang kita napasaya bago mo ipikit ang iyong mata

O nasambit man lang na mahal kita Ina

At di man lang kita naalagaan ng naghihirap ka

Gabi-gabi na papanaginipan kita

Ngumingiti ka pero alam kong di ka masaya

Sabi mo nga sakin noong huling nakausap ka

"Kung pwede lang ibalik sana""Sana nakinig ako sayo noon pa"

"Buhay ko pa sana'y mahaba"

"Di ko sana nararanasan aking pagdurusa"

"Gusto ko pang mabuhay dito sa lupa"

"Ayaw ko pang mamatay, gusto ko pa kayong makasama"

"Ngunit huli na"

"Alam kong ako'y kukunin na ng lumikha"

"Pero bago man lang sana ako mawala"

"Gusto kitang makita at makasama"

"At makahingi man lang ng tawad sa mga nagawa"

Pagkarinig sa mga sinabi niya

Kusang nagsipatakan ang mga luha

Tanging nasabi na lang sa kanya

"Nanay , may awa ang diyos nating AMA"

"At kung may mali ka mang nagawa"

"Yun ay karapatan mo lang bilang isang INA"

"Nagpapasalamat pa nga ako sa iyong pagiging bungangera"

"Dahil yun yung naging ilaw ko sa daang tama"

"At naging lakas para maging matatag sa problema"

"Ikaw naging inspirasyon ko para maniwala"

"Na may dahilan lahat ng to, kung bakit niya ginagawa

"Sabi nga nila"Wag kang matatakot kung nawalan ka"

"May rason ang diyos kung bakit siya kinuha"

"Dahil Kung may nawawala"

"May darating namang bagong magbibigay sayo ng saya"

"Yun ang araw ng isilang ko ang aking prinsesa"

poemMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon