Balang araw, masasabi mong ang swerte mo
Sapagkat, may babaeng kagaya ko na nagmamahal sayo
Yung kagaya ko, na nagmamahal ng totoo
Yung kagaya ko, na di marunong mag sinungaling at manloko
At higit sa lahat, yung kagaya ko
Na alam ang salitang kontento na ako
Pero paano.?
Kung sa balang araw na yun, ako naman ay sumuko
Sumuko dahil hanggang ngayon siya parin yung mahal mo
Yung mahal mo, na iniwan ka dahil may iba siyang gusto At alam mo ring iniwan ko siya para sayo
Yung lalakeng minahal ako ng sobra at buong-buo
Ngunit anong sinukli ko
Iniwan siyang durog ang kanyang puso
At mata niya'y luhaang tumutulo
Kaya hangga't nandito pa akong nagpapakatanga
Sana bigyan mo ako ng importansya
Iparamdam mo sakin na ako sayo'y mahalaga
Di na lang laging puro siya, at siya
Sapagkat sobrang nasasaktan ako kapag nasasambit mo pangalan niya
Dahil pakiramdam ko, hanggang ngayon siya parin ang iyong sinisinta
Nandito ako, di mo ba nakikita?
Kung gaano ka sa akin kahalaga Katumbas nun ang salitang mahal at pag aalaga
Siguro ganitong ganito din siya
Yung lalaking iniwan ko bigla
Na akala ko yun ang tama
Sa panahong ako'y kailangan niya
Dahil mas pinili kitang makasama
Ng mga araw na ika'y nagluluksa sa babaeng iniwan ka
Na halos di mo di mo makita
Na mas nasasaktan ako kapag nakikita ka noon na nag kakaganun ka
Dahil ayaw ko siyang maghintay sakin sa wala
Sapagkat ayaw ko man na mahalin ka
Kaso mas minamahal pa kita
Sa kadahilanang di ko rin sinasadya
Kaya pahalagahan mo ako hanggat ako'y nandito pa
Nanditong sayo ay umaasa
Na balang araw,masabing mong "AKO PALA"
Ang babaeng tatangapin ka Kahit puso mo'y may tinitibok na iba.