MOVE ON
Move on, and get over it.
Salitang naririnig ko paulit-ulit.
Kalimutan mo na siya, yan lagi nilang sinasambit.
Sila ba yung nakakaramdam nung sakit?
Maaaring di pa kita makalimutan sa ngayon.
Bukas, makalawa puso ko din ay makakaahon.
Dadating din yung tamang panahon.
At lahat ng bagay ay na sa tamang pagkakataon.
Kakalimutan kita ng pakonti-konti.
Para puso ko'y humilom na't muling makakangiti.
Di na din kita iisipin parati.
Para mga mahal ko sa buhay, ay di na marinig ang aking mga hikbi.
Oo, nasasaktan pa ako.
Pero alam kong may dadating na higit pa sayo.
Konti na lang, luha ko'y di na tutulo.
Paraan na din siguro ng diyos ito.
Na sa maling tao'y ako'y nilayo.
Salamat sa mga masasayang ala-ala.
Datapwat ako'y nasasaktan ng sobra.
Lalo na kapag nakikita kita na may iba na.
Anong magagawa kung pag-ibig natin ay di tama.
O sadyang tayo'y hindi nakatakda para sa isa't-isa.
Kaya pag-iibigan natin ay tinapos ng maaga.
At sadyang ganyan talaga, kapag nagmahal ka.
Kaakibat nito'y ay ang masaktan at lumuha.
Sabi nga sa kasabihan di ba.
Bumangon kapag nadapa.
At salubungin ang bagong umaga.
At ipakita mo sa iba.
Na sa pagkabigo'y may natutunan ka.
