HEART BROKEN

149 0 0
                                    


"HEART BROKEN"
Isang uri ng damdamin na nawasak.
Sa salitang tagalog Pusong Basag.
Walang pusong mababasag, kung maalaga ang taong nakahawak.
Parang ikaw, damdamin ko'y iyong sinaktan.
Yung ginawa mo sa puso kong iyong binasag at iniwan.
Masaya ka na ba? Ngayong ako'y nagdurusa.
Nangarap ka pa nga na bubuo tau ng pamilyang masaya.
Asan na? Mga salita mong ubod ng tamis galing sa iyong mabulaklak na bunganga?
Bumitaw ka dahil sa temptasyon na di mo kinaya.
Pinagpalit mo ako sa babaeng kagaya niya.
Mahal mo ba siya, o yung katawan o ang mukha niyang maganda?
Aaminin ko, kahit isa nun wala ako.
Mataba, pangit, maitim, at ang ilong ko'y mejo pango.
Pero minahal kita ng sobra at totoo.
Anong sinukli mo, iniwan mo ako.
Pati mga pangarap nati'y malabo na mabuo.
Eto ako, nakikinig sa mga kantang inalay mo.
Na ngayon ay syang kantang pumipiga sa puso ko.
Babasahin ko na lang mga mensaheng dati'y meron pang tayo.
Ayan tuloy, naalala na naman kita sa ulam kong tuyo.
Gusto na kitang kalimutan.
Pero paano? Kung sa bawat bagay naalala kita at sa akin nagbibigay lumbay.
Na dati'y ikaw ang inspirasyon sa bawat hamon ng buhay.
Tanggap ko nang wala kana.
Pero hayaan mong mahalin kita at hanggang sa ako na ang bumitaw ng kusa.
Kasi di ko magawang kalimutan ka na lamang.
Dahil pinagsamahan natin di mo matatawag na ganun ganun lang.

.


Show more reactions

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon