STAR
Nakikita sa langit pero sa gabi mo lang masisilip.
Abot ng iyong tingin, pero kahit kailan di mo kayang abutin.
Siya'y bituin kung tawagin.
Kaya karamihan sa atin naaakit sa kanyang ningning.
Isa na ako dun sa mga naakit mo.
Palihim kitang sinusulyapan sa malayo
Damdamin ko'y walang magawa kundi mahalin ka ng patago.
Pero ako'y nagtaka, dahil sa bigla mong pagyakap mahal ko.
Nagtagal tayo, na nagtatagpo ng pasikreto.
Mahal mo ako, mahal din kita.
Pero di ko kayang maranasan mo ang isang kahig isang tuka.
Anong magagawa ko, mayaman ka,ako'y dukha
Langit ka, ako nama'y lupang sayo ay nakatingala
Di ko kayang ialay mga bagay na mga nakasanayan mo.
Wala akong magawa kundi saktan ka at mahalin ka na lang sa malayo.
Estado ng buhay natin ay magkalayo.
Magsasaka lamang ako sa bukid na pag -aari niyo
Samantalang ikaw, prinsesang nakaupo lamang sa silid sa iyong kwarto
Ayaw kong kamay at balat mo'y madungisan.
Para ituloy ang ating pagmamahalan.
Di ko kakayanin na sa piling ko'y hirap ay iyong maranasan
Na sa mansyon nyo'y mga pagkain mo'y masasarap na prang laging may handaan
Abot kamay na kita, bituin aking pinangarap.
Pero di ko kayang magaya ka sa akin na mahirap.
Pagmamahal ko sayo'y walang katumbas ng kahit anong yaman sa mundong mapaglingap
Kahit masakit, titiisin na sayo'y umiwas kahit ibang lalaki na sayo ang yumayakap.
Masasaktan lang tayo
Lalong lalo na ako.
Kasama nga kita, pero di naman kayang ibigay ang mga gusto mo
Ipipikit na lang aking mga mata at luha'y ay tutulo
Magiging masaya,
Dahil bituin ka, na tinitingala naming na nasa lupa.
Kaya sa malayo, titingalain na lang kita.
Dahil sa akin ika'y di nararapat.
Kaya pag-iibigan natin ay di dapat.
.
