IKA'Y MAHAL PARIN

73 0 0
                                    



Di ko parin tanggap na wala na tayo

Mga pangarap natin na binuo

Ay bigla na lang gumuho

Ngayon luha'y kusa na lang tumutulo
Dahil di ko alam kung nag kulang ba ako
Sa aking kaalaman ay binigay naman lahat ng gusto
Pero bakit nagawa mo parin akong niloko

Pagmamakaawa'y nagawa ko na
Kulang na lang lumuhod ako sa iyong paa
Nagmamakaawa na wag akong iwan mag-isa
Parang awa mo na, bumalik kana
Hayaan mo lang akong mahalin ka
Kahit masaktan pa ako, basta manatili ka
Sapagkat ikaw lang ang gusto kong makasama
Hanggang ngayon ako'y umaasa
Kahit malabo'y, hihintayin parin kita

I seen-zoned mo man ako
Di ako magsasawang mag paramdam sayo
Sapagkat mas masakit pag ika'y nilayuan ko
Mas gugustuhin ko na lang magkatanga sayo
Kahit ako'y parang multo sa paningin mo
Mahal kita, higit pa sa buhay ko
Mundo ko'y umikot lang sayo
Kaya di parin matanggap na wala kana sa piling ko
Sana panaginip na lang to
Gusto ko pa marinig pagtawag mo sakin ng Mahal Ko
Bumalik kana sinta ko

Tanging ikaw lang ang mamahalin
Hanggang sa buhay ko'y bawiin
Kung may gusto man akong hilingin
Sa ating diyos na malikhain
Yun ay ang ibalik ka sakin
At muling buhayin pag-ibig atin
Kasabay ng paglitaw ng takip-silim
Ay ang bagong pag-asa para sa atin
Subalit ika'y masaya na sa kanyang piling
Masaya pa din ako dahil kasihayahan mo ang aking hiling
Kahit di ako yung rason sa ngiti mong maning-ning
Makita lang kitang masaya, ako'y masaya na din
Iiyak na lang sama ng damdamin
Huwag kang mag-alala ako'y naririto padin
Handang ika'y hintayin
Kahit sa huling hininga'y bibigkasin
"IKA'Y MAHAL PARIN"

poemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon