Pang araw-araw na ginagamit.Bagay na nagproprotekta sa atin sa lamig at init.
Parang ikaw, binigay ang init na iyong pinipilit.
Kahit di pa handa'y, binigay ko sayo ng walang hinanakit.
Pero bakit, pagkakuha yaman kong dangal.
Para akong damit, pagkatapos mo akong gamitin at dungisan.
Iniwan mo akong parang labahan.
At pinalit sa isang mahalimuyak at ako'y iyong iniwan.
Masaya ka na ba dahil nakuha mo na ang iyong kagustuhan?.
Na iwan akong punit-punit at saktan.
Di mo ba alam, na yung bagay na binagay ko sayo ay aking kayamanan.
Na dapat sa mapapangasawa ko lang ibibigay at iaalay.
Kung sa tingin mo damit lang ako.
Na araw-araw pwede kang magsuot at maghanap ng bago.
Pero masakit yung ginawa mo.
Buti sana kung relasyon natin ay biro.
Pero hindi dahil minahal kita ng seryoso.
At ngayon nasasaktan ang puso ko.
Balang araw ako din ay yung hahanapin.
Ang isang tulad ko na walang ginawa kundi ika'y mahalin.
Halaga ko'y makikita mo din.
Pero huli na, dahil may magbibigay din sa akin ng importansya.
Na isang bagay na di mo naipadama.
Di man sya sa akin ang nakauna.
Pero ipagmamalaki din nya ako kahit ako'y marumi na.
At ipagyayabang sa iba.
Yung tatanggapin ako kahit labahin na.
At sa kanyang mata, ako'y kahali-hali na.
Show more reactions