UNAN

66 0 0
                                        

UNAN

Bagay na ginagamit sa pagtulog.
Pwede ring harang sa kama para di mahulog.
Simula ng dumating ka, pagtulog at puso ko ay iyong binulabog.
Ngunit di nagtagal, ay iniwan mo akong parang patay na natutulog.
Sinanay mo ako sa iyong prisensya.
Pero anong ginawa mo, iniwan mo akong parang tanga.
Diba sabi mo pa nga, yayakapin mo ako kapag ako'y malulumbay.
Pero bakit ngayon, UNAN ko na lamang ang aking kaagapay.
Nangako ka pa nga, na ako lamang ang iyong mamahalin.
Pero sinta ko, bakit kaibigan ko pa ang ipinalit sa akin.
Puso ko'y iniwan mong sawi.
Tanging UNAN ko ang naging saksi sa mga luha ko at pighati.
Tatanungin kita kung saan ako nagkulang .
At pinagpalit mo ako sa kaibigan ko pa man din lang.
Sabihin mo sa akin para itoy aking mabilang.
Para sa susunod na makita mo ako'y malaman mo ang salitang sayang....

.

.

poemMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon