CHAPTER 1
"I love you, Aquil."
Gumuhit ang maluwang na ngiti sa guwapong mukha ni Aquil pagkaalala sa huling pag-uusap nila ni Sang'gre Danaya. Kinausap niya ito para ipaalam ang pag-alis ni Reyna Amihan at ang bilin nitong ang bunsong kapatid muna ang mamahala sa Lireo habang wala ito. Akmang paalis na siya pagkatapos mag-ulat nang pigilan siya ng babae.
Gustong malaman ni Danaya kung alam ba niya ang ibig sabihin ng mga salitang "I love you."
Napailing at muling napangiti si Aquil. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili, baka napaamin na siya nang wala sa oras. Muntik niya nang kabigin palapit at yakapin si Danaya sabay ipaalam dito ang tungkol sa kanyang nararamdaman. Pero kilala niya ang sang'gre mula pa pagkabata. Alam niyang mapapahiya si Danaya at baka muli siyang iwasan kapag nalaman nitong batid niya ang tunay na kahulugan ng mga katagang paborito nitong sabihin sa kanya. Ang mga katagang iniisip ng lahat na masama ang kahulugan dahil sinasabi ito ng sang'gre sa tuwing naiinis sa kanya.
Ang mga katagang nagpapangiti kay Aquil at nagsasabing malaki ang pag-asang may katugon din ang nararamdaman niya para sa bunsong anak ng dating reyna ng Lireo na si Minea.
I love you.
Mahal kita.
E corre diu.
Kitang-kita niyang nakahinga ng maluwag si Danaya nang magsinungaling siya. Muling ipinagdiinan ng babae na masama ang kahulugan ng mga salitang iyon at nababagay lang na sambitin sa kanya dahil inaabala niya palagi ang sang'gre. Bago ito umalis, sinimangutan siya nito at inulit ang kay tamis na pangungusap na iyon.
"I love you, Aquil."
"E corre diu, Danaya. Mahal na mahal kita." Iyon ang ibinulong niya pagkaalis ng itinatangi niyang sang'gre. Mga salitang ibinulong niya na lamang sa hangin dahil sa pakiwari niya ay hindi pa nararapat na ipaalam kay Danaya. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Hindi pa sa ngayon habang may panganib pa ring nakaamba sa Lireo dahil sa mag-amang Hagorn at Pirena.
Mabigat man sa kanyang dibdib na itago ang pag-ibig kay Danaya, wala siyang magagawa dahil mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang tungkulin niya bilang mashna ng mga diwata. Gaya ng dati, tahimik na lamang siyang mananalangin kay Emre na sana ay matapos na ang kaguluhan sa Encantadia at mabigyan siya ng pagkakataong mahalin ng buong laya si Sang'gre Danaya.
Gamit ang ivictus, mabilis na narating ni Danaya ang sariling silid. Napakabilis pa rin ng tibok ng kanyang puso dahil sa huling pag-uusap nila ni Aquil kanina. Salamat na lamang kay Emre dahil wala itong ideya sa tunay na kahulugan ng I love you. Kung nagkataong alam nito ang buong katotohanan sa likod ng mga salitang iyon, tiyak na mawawalan na siya ng lakas ng loob na salubungin ang mga tingin nito. Baka hilingin niya sa brilyante na kainin siya ng lupa para makatakas sa pagkapahiya sa harap ni Aquil. Ang nag-iisang engkantadong iniibig niya nang palihim.
Humigit ng malalim na hininga si Danaya at napaupo sa kanyang kama. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimulang sumibol ang pag-ibig niyang iyon para sa mashna ng Lireo. Natatandaan niya pa na madalas niyang kainisan si Aquil noong bata pa siya dahil wala na itong ibang inutos kundi ang magsanay sila. At sa tuwing nagrereklamo siya ay matinding sermon ang lagi niyang natatanggap.
"Naaawa ako sa magiging asawa mo balang araw, sang'gre Danaya."
Napalabi si Danaya pagkaalala sa tinuran ni Aquil noong bata pa siya. Halos maubos ang pasensiya nito sa katigasan ng ulo niya kaya nasambit ang mga katagang iyon. Mga katagang tumatak sa batang isip niya.
"Paano ba yan, Aquil? Ikaw ang gusto kong maging asawa. Nag-uumpisa ka na bang maawa sa sarili mo?" bulong niya.
Tinutop ni Danaya ang bibig at tahimik na pinagalitan ang sarili. Ano ba itong pinag-iisip niya? Hindi pa ganap na bumabalik ang katahimikan sa Encantadia pero heto siya at tila nangangarap ng gising. Mali ito. Bilang tagapangalaga ng brilyante ng lupa, dapat lang na unahin niya ang kapakanan ng Lireo at ng buong Encantadia. Wala siyang panahon sa pansariling kagustuhan at sa mga munting pangarap na matagal niya nang itinatago sa puso niya.
Pero sa kabila ng lahat, isang imahe ang muling gumiit sa kanyang utak.
Siya at si Aquil. Mahigpit na magkayakap at magkasalo sa isang mainit na halik.
Isinubsob ni Danaya ang mukha sa kanyang unan para pigilan ang impit at kinikilig na tiling muntik kumawala sa kanya.
tncm91b��XC_�
BINABASA MO ANG
ANG SANG'GRE AT ANG MASHNA
FanfictionMy first ever Encantadia fan fiction, inspired by the episodes last Dec. 29, 30 and Jan.3 Para sa lahat ng nagmamahal kay Danaya at Aquil :)