CHAPTER TWENTY
Sa limang sang'greng naroroon, si Hara Pirena ang unang nakabawi sa pagkabiglang nadama dahil sa muling pagbabalik ni Aquil sa Lireo.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Aquil?"
Humakbang palapit ang dating mashna at inilahad ang kanyang nalalaman.
"Ang Etheria?! Buong akala ko ay sa mga lumang kuwento ni Nunong Imaw ko na lamang iyan maririnig. Pero sinasabi mong muli itong naibangon, tama ba Aquil?" mas lalong lumalim ang pagkabahala ni Sang'gre Alena.
"Ganoon na nga, mahal na sang'gre. Iyon ang dahilan kaya mula sa mundo ng mga tao ay pinabalik ako dito ng Bathalang Emre upang kayo ay bigyan ng babala."
Tahimik lang si Hara Danaya pero sa kanyang isip ay may bumabangong pagtatampo.
"Kung ganoon ay nagbalik ka ng Encantadia dahil sa utos ni Emre at hindi dahil sa utos ng iyong puso?! Sadya bang nakalimutan mo na ako ni Aquil?!" bulong niya.
Seryoso at puno ng determinasyon ang tinig ni Hara Pirena nang muling magsalita. "Ibig kong masaksihan mismo ng aking mga mata ang sinasabi mong panganib, Aquil. Dalhin mo kaming magkakapatid sa kinaroroonan ng bagong kaharian ng Etheria. Maghanda na tayo, Danaya, Alena. At habang wala kami ay kayo naman ang bahala dito sa Lireo, Mira, Lira. Utang na loob, huwag muna kayong magpasaway."
"Pero ashti, gusto po naming suma-----"
Ang balak na pag-apela ni Lira ay agad nahinto dahil pinandilatan na siya ng kanyang Ashti Pirena. Kandatulis ang nguso ng nag-iisang anak nina Amihan at Ybrahim dahil gaya ng dati ay tila paslit pa rin ang turing sa kanila ng mga nakakatandang sang'gre.
"It's so unfair, you know. Hindi na kaya kami bata ni Mira." maktol pa niya sa isip.
Bago sumunod sa mga kapatid ay nag-utos muna si Danaya sa isa sa mga kawal na naroroon. "Bigyan nyo ng gayak na pandigma at sandata ang dating mashna. Kapag nakapagpalit ka na ay sumunod ka agad sa punong bulwagan..... Aquil." sinadya niyang iiwas ang tingin pagkabanggit sa pangalan ng dating mashna.
Susunod na sana si Aquil sa nasabing kawal nang bigla siyang harangin ni Lira at tinitigan mula ulo hanggang paa.
"In fairness, bagay sa'yo ang polo at slacks, Kuya Aquil! Mukha kang kagalang-galang na CEO. Ay hindi, mukha kang sikat na Asian actor! Ang hot mo na lalo! Wow naman!" naaaliw na komento ng sang'gre.
"Thank you!" wala sa loob na sagot ni Aquil.
"OMG! So now, you can speak in English? Siguro nag-call center agent ka noong nasa mundo ka ng mga tao no? I knew it!"
"And why would I work as an agent if I have the capacity to buy even the biggest call center company in the country?"
Nanlaki ang mga mata ni Lira sa pagkamangha. "So, your accent is better than mine ha! Ang taray! Pero tama na, nakaka-nosebleed ka na. Time first muna."
Litong nakatingin lang sa kanila si Mira. Parang sasakit na ang ulo niya sa nagaganap na usapan ng dalawa.
Sasagot pa sana si Aquil nang biglang umalingawngaw ang tinig ni Hara Danaya.
"Ano pang hinihintay mo? Kumilos ka na diyan, Aquil!"
"Danaya?!!"
Tarantang hinabol ni Aquil ang sundalong inutusan ni Danaya kanina.
Nagkatinginan na lang ang naiwang magpinsan. Puno ng kapilyahan ang kislap ng mga mata ni Lira nang muling nagsalita.
"Napakatapang na sundalo pero tiklop pa rin sa hara. Ang galing ngang mag-English pero under de saya pa din."
BINABASA MO ANG
ANG SANG'GRE AT ANG MASHNA
FanfictionMy first ever Encantadia fan fiction, inspired by the episodes last Dec. 29, 30 and Jan.3 Para sa lahat ng nagmamahal kay Danaya at Aquil :)