Untitled Part 6

465 15 2
                                    

CHAPTER SIX


"Ang tanga-tanga mo, Danaya!" paulit-ulit na bulong ng bunsong sang'gre. Matapos iwan si Aquil sa hardin, ginamit niya ang ivictus para makarating agad sa kanyang silid. Doon ay halos sabunutan niya ang sarili dahil sa sobrang inis.

Bakit ba pagdating kay Aquil ay tila yelong natutunaw ang kanyang katapangan? Kung anong bagsik siya sa pagharap sa mga kaaway na Hathor ay siya namang panlalambot ng kanyang tuhod sa presensiya ng mashna ng Lireo. Bumibilis muli ang tibok ng kanyang puso habang binabalikan niya sa gunita ang mga naganap kanina sa hardin. Ang pagdamay at mahigpit na pagyakap ni Aquil. Ang masuyong mga halik nito sa kanyang mukha. Ang paghaplos nito sa kanyang labi. At ang pananaig ng matindi niyang nerbiyos na nauwi nga sa pagtakas niya sa sandaling iyon.

Ano na lang ang iisipin ni Aquil dahil sa kanyang inasal?

"Kung hindi ka umalis, disin sana'y naranasan mo na kung paano ang mahagkan sa labi ng pinakamamahal mong mashna! Kung bakit kasi pinairal mo ang iyong karuwagan, Danaya! Ang tanga-tanga mo!" naiiritang naupo sa kama si Danaya. Ilang sandali pa'y tila nahahapong inilapat niya ang katawan doon at pilit na ipinikit ang mga mata.






Sa nagliliwanag na palasyo ng Devas.

Tahimik na nilapitan ni Kahlil ang Bathalang Emre. Kasalukuyang pinagmamasdan nito ang mga pangyayari sa kabuuan ng Encantadia. Normal namang tanawin iyon dahil palagi itong ginagawa ng bathala ngunit ang ipinagtataka ni Kahlil ay ang kakaibang interes na ipinapakita nito sa mashna ng Lireo. Halos dito nakatuon ang pansin ni Emre at kakaiba ang pakiramdam niya dahil sa ginagawi nito.

"Paumanhin sa aking paggambala sa inyo, mahal na Emre, ngunit kanina pa ako nilalamon ng kuryosidad. Bakit po ganyan na lamang kung pagmasdan niyo si mashna Aquil?" hindi nakatiis na tanong niya dito.

Hinarap siya ng bathala at sa malumanay na tinig ay nagpaliwanag ito.

"Pinagmamasdan ko ang mashna ng Lireo dahil malaki ang gagampanan niyang papel sa mga susunod na pangyayari sa Encantadia. Mga pangyayaring susubok sa katatagan ng anak ni Amarro at siyang magbibigay sa akin ng patunay na nararapat nga siya para sa tungkuling nais kong iatang sa kanya."

"Sa sandali kong buhay sa Encantadia ay nasaksihan ko ang kagitingan ni mashna Aquil. Natitiyak kong magagampanan niya kung ano mang tungkulin ang ibigay niyo sa kanya."

Umiling si Emre. "Walang nakatitiyak sa bagay na iyan, Kahlil. Napakabigat ng tungkulin na naghihintay sa kanya kung sakaling magtagumpay siya sa aking pagsubok. Kinakailangan munang maranasan ni Aquil kung paano mawala ang lahat ng bagay na importante at pinaghirapan niya. Doon ko masusukat kung hanggang saan ang kakayahan niya."

Inalihan ng kaba si Kahlil. "Ibig niyo pong sabihin, mas lalo pang lalala ang sitwasyon sa Encantadia?"

"Malungkot mang sabihin, pero oo, dito pa lang magsisimula ang tuluyang pagsakop ng dilim sa buong Encantadia. Umaasa akong sa kabila ng mga nakatakdang mangyari ay mananatili pa rin ang pag-asa at liwanag sa puso ng aking mga tagasunod."

Hindi na nakapagsalita pa si Kahlil. Sa kanyang isip ay tahimik siyang humihiling na sana ay walang mapahamak sinuman sa pamilyang iniwan niya sa Lireo.

F'9}K$

ANG SANG'GRE AT ANG MASHNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon