Untitled Part 18

363 22 26
                                    


CHAPTER EIGHTEEN


Mabilis ang naging pagdaloy ng panahon sa Encantadia at sa mundo ng mga tao. Payapa at naging mas naging maunlad ang mga kaharian ng Sapiro, Lireo at Hathoria dahil sa pamumuno nina Rama Ybrahim, Hara Danaya at Hara Pirena. Maging ang teritoryo ng Adamya ay unti-unting nagpapakita ng pag-usad dahil na rin sa pagpupunyagi ni Sang'gre Alena. Maliban sa pagtulong sa pagsasanay kay Lira, dito ibinuhos ng tagapangalaga ng brilyante ng tubig ang kanyang oras upang hindi na muling maisip pa ang mga mapait na nangyari sa kanyang buhay.

Ang mga diwaning sina Lira at Mira ay sumailalim sa pagsasanay ni Cassiopeia. Laking tuwa ng lahat ng mapagtagumpayan ng dalawa ang huling pagsubok na inihanda sa kanila ni Mata. Buong pagmamalaking niregaluhan nina Ybrahim at Pirena ang kanilang mga tagapagmana ng bagong mga kalasag tanda ng pagtawid nila sa pagiging diwani patungo sa pagiging ganap na mga sang'gre. Isang magarbong piging naman ang inihanda ng kanilang Ashti Hara Danaya upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Sa gitna ng kasiyahan, hindi nakatakas sa matalas na pakiramdam ni Hara Pirena ang lambong ng kalungkutan na nasa mga mata ng kanyang bunsong kapatid.

"Nagsasaya ang lahat ngunit bakit tila malungkot ka, hara?" tanong ng tagapangalaga ng brilyante ng apoy.

Tipid na ngumiti si Danaya sa kanyang apwe. "May naalala lang ako, Pirena."

Bahagyang tumaas ang kilay ng panganay na sang'gre. "Sino kina Amihan at Aquil ang iyong naisip?"

Pinamulahan ng mukha si Danaya pero pinilit niyang magpaka-kaswal. "Hanggang ngayon, Pirena, magaling ka pa ring mang-inis."

"Sa aspetong iyan, alam mong walang makakatalo sa akin, mahal kong kapatid." nagmamalaking sagot ni Pirena.

Maya-maya pa'y nagpasya nang tumayo si Danaya.

"Mahal na hara, aalis ka na?" gulat na puna ni Nunong Imaw.

Isang nagpapaunawang ngiti ang itinugon ng hara sa Adamyan. "Nais ko nang magpahinga, nuno. Ngunit, huwag ninyo akong intindihin at ipagpatuloy lamang ang kasiyahan."

Huminga nang malalim si Nunong Imaw nang silang dalawa na lamang ni Pirena ang naiwan sa parteng iyon ng bulwagan.

"Tama ka nga, Hara Pirena. Wala sa kanyang tabi si Amihan at si Aquil kaya nalulumbay pa rin si Hara Danaya sa kabila ng kasiyahan."

Inisang lagok ni Pirena ang alak sa kanyang kopita. "Tunay ngang isang malaking kahinaan ang dulot ng pag-ibig, nunong Imaw. Puro paghihirap lang ang naranasan ng aking mga kapatid dahil sa dikta ng kanilang mga puso. Kaya nga napakasuwerte ko dahil hindi ko kailangang pagdaanan ang ganyang kalbaryo."

"Hindi ka dapat nagsasalita ng tapos, Hara Pirena. Paano kung bukas makalawa ay ikaw naman ang matagpuan ng pag-ibig?"

Tawa lang ang naging tugon ni Pirena, sa isip ay sumusumpang hindi siya magpapasakop sa kahit na sino pang engkantado.




Sa kanyang silid, pinalaya ni Danaya ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata.

"Napakahabang panahon na ang nagdaan pero bakit hindi pa rin nababawasan ang sakit, mahal na Emre? Ganito ba talaga ang tadhanang nakalaan sa isang harang gaya ko?" mahinang bulong niya sa sarili.

Sa tuwina ay inaabala ni Danaya ang sarili sa kanyang mga tungkulin upang maiwasan ang pag-iisip tungkol kay Aquil. Ngunit kahit gaano pa kapagod ang kanyang isip at katawan, tila tuksong kumakatok pa rin sa kanyang gunita ang maamong mukha ng dating mashna na kanyang kinasasabikan.






"Congratulations sir Aquil!"

"Wow! We finally got that elusive 10 billion-dollar contract!"

"Yes! I'm sure, may bonus na naman kaming lahat nyan, di ba sir Aquil?"

Ngiti at tango lang ang itinugon ni Aquil sa humahangang pagbati ng mga empleyado nila sa kanya. Gaya ng dati, mala-fiesta ang atmosphere sa Zaldemar Tower dahil nabalitaan na ng lahat ang pagpasok nila sa isa na namang matagumpay na business venture.

Pero nang mapag-isa sa kanyang pribadong opisina sa pinakataas na palapag ng gusaling iyon, agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Aquil. Pagkaupo pa lang sa swivel chair, inilapat niya ang likod at mariing ipinikit ang mga mata.

"Another successful deal and yet I feel nothing but emptiness." nanghihinang bulong niya.

Sa mahabang panahong pananatili sa mundo ng mga tao, masasabing gamay niya na ang pamumuhay dito. Napakalaki ng nagawang tulong ng kanyang ama-amahang si Zeno na siyang nagturo sa kanya ng lahat ng bagay na dapat niyang malaman. Mula sa lengguwahe, mga kaugalian at makabagong teknolohiya... lahat ay inaral niya para makasabay sa klase ng buhay na mayroon ang isang multi-billionaire na gaya ni Zeno Zaldemar.

Sa ngayon, kilala na siya sa mundong ito bilang si Aquil Zaldemar, tagapagmana ng Zaldemar business empire at itinuturing bilang isa sa most eligible bachelor sa buong Asya.

His wealth, status, good looks plus the air of mystery surrounding him seems to entice the women population.

Ah, he hates the attention... the throngs of people asking him about the kind of woman who will be able to capture his elusive heart.

Isang pamilyar na mukha ang agad na gumambala sa kanyang isip.

"Danaya..."

Napakahabang panahon na ang lumipas at marami na ang nabago sa kanyang pagkatao. Halos hindi niya na ginagamit ang salitang Enchan at masasabing sanay na sanay na siya sa buhay ng isang tao.

Pero kung may isang bagay man na hindi nagbago, iyon ay ang pag-ibig niya para kay Sang'gre Danaya.

"Napakasakit mo talagang mahalin, hara. Tunay na napakasakit at kay hirap."

Sinubukan niyang ibaling ang atensiyon sa ibang babae pero nabigo siya. Kahit mapaligiran pa siya ng napakaraming magagandang mukha, nag-iisa lang talaga ang isinisigaw ng puso at buong pagkatao niya.

Ang nag-iisang babaeng hindi niya maaaring angkinin.

Ang nag-iisang diwatang kailangan niyang layuan.

"Ngunit ngayon ay kailangan mong puntahan at makita."

Kulang na lang ay malaglag sa kanyang kinauupuan si Aquil dahil sa biglang pagsulpot at pagsasalita ni Bathalang Emre.

"Bathalang Emre? Ano... ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong niya.

"Naparito ako upang bigyan ka ng panibagong misyon, Aquil."

May kabang bumangon sa dibdib ng dating mashna.

"Ano pong misyon, mahal na Emre?"

"Inuutusan kitang magbalik sa Encantadia upang bigyan ng babala ang mga diwata tungkol sa nalalapit na delubyo. Muling babangon ang kaharian ng Etheria at tiyak na panganib ang dala nito sa lahat ng nasasakupan kong engkantado. Kailangan ng mga diwata ang iyong tulong."

"Inuutusan niyo akong... bumalik ng Lireo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aquil.

Tumango ang bathala.

Hindi alam ni Aquil kung alin ang mas nakapagpakaba sa kanya, ang panganib na nakaamba sa Encantadia o ang katotohanang magkikita silang muli ni Danaya.

ANG SANG'GRE AT ANG MASHNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon