Untitled Part 3

723 16 8
                                    


CHAPTER THREE

May ngiti sa mga labi ni Danaya habang pinagmamasdan ang liwanag ng kalangitan. Masaya siya dahil alam niyang sa mga sandaling iyon ay kapiling na ni Paopao ang pamilya nito sa mundo ng mga tao. Pagkatapos ng piging ay nagpasya ang kapatid niyang reyna na si Amihan na ihatid na ang paslit para makasama na nito ang mga magulang sa pagdiriwang ng Pasko.

"Ipagdarasal ko lagi kay Emre ang kaligtasan at kaligayahan mo, Paopao." bulong niya.

Mga papalapit na yabag ang pumutol sa kanyang pagmumuni-muni. Lumingon siya at nakita ang pinagmumulan nito. Ilang mga kawal ang nagmamartsa palapit sa kanya. Maya-maya pa'y humilera ang mga ito.

"Ano'ng nangyayari dito?" kunot noong tanong niya.

Sa gitna ng mga kawal ay naglalakad si Aquil. Hindi niya alam kung bakit pero parang may kakaiba sa ngiti ng mashna. Parang nasasabik ito na hindi na niya mawari.

"Mahal na sang'gre, nais ko sanang samantalahin ang pagkakataong ito upang batiin ka sa mahalagang gabing ito na ginugunita ng mga diwatang lumaki sa mga tao."

Napangiti si Danaya sa tinuran ni Aquil. "Maligayang Pasko rin."

"Ganundin sa'yo mahal na sang'gre."

Nahigit ni Danaya ang kanyang paghinga nang makita ang bagay na itinatago ng kanang kamay ni Aquil sa likuran nito. Isang napakagandang bungkos ng bulaklak! Bumilis ang tibok ng puso niya nang iabot iyon sa kanya ng mashna.

"Ngayon mo lamang ako binigyan ng ganito. At idinamay mo pa ang mga kawal mo sa mga kalokohan mo." Pinilit niyang maging kaswal ang dating ng kanyang pagsasalita para hindi nito mahalata ang pagririgodon ng kanyang puso.

Gusto niyang pagalitan ang sarili nang muntik siyang matulala sa muling pagngiti ni Aquil. Kung bakit naman kasi sadyang napakakisig at napaka-guwapo nito!

"Hindi ito kalokohan, mahal na sang'gre. Hindi ko kasi batid na maiibigan mo." paliwanag pa ng mashna.

Tila natunaw ang kanyang pagmamatigas. Hindi niya tuloy napigilang ipakita kay Aquil kung gaano siya kasaya sa handog nito. Nginitian niya ng ubod tamis ang lalaki.

"Ngunit gustong-gusto ko! Avisala eshma, mashna."

Hindi napaghandaan ni Danaya ang sumunod na ginawa ni Aquil. Dahan-dahan nitong kinuha ang kanyang kaliwang kamay at masuyong hinagkan!

Parang huminto ang oras. Ang mga kawal at damang nasa paligid nila ay tila bulang naglaho sa paningin ni Danaya. Ang buong puso at atensiyon niya ay nakatuon sa malalambot na labi ni Aquil na nakalapat sa kanyang kamay. Sa mga mata nitong nagpapahiwatig ng marubdob na damdamin.

"Mahabaging Emre, isang kamay ko pa lamang ang hinahagkan ni Aquil ay halos mawala na ako sa aking sarili, paano pa kaya kung ang mga labi ko na ang kanyang inaangkin?"

Itinago ni Danaya sa pagngiti ang kaba at bahagyang pagkasabik na biglang naramdaman. Ayaw niya munang mag-isip. Kahit ngayong gabi lang, maaari ba niyang kalimutan ang kanyang mga tungkulin bilang sang'gre at tagapangalaga ng brilyante ng lupa? Kahit ngayon lang, gusto niyang namnamin ang pakiramdam ng isang diwatang sinusuyo ng mashna na lihim niyang minamahal.

Walang kamalay-malay si Danaya na habang nagpapalitan sila ni Aquil ng matatamis na ngiti at makahulugang mga tinginan, may isa palang puso silang nasasaktan ng lubos.

Isang engkantadong ang tanging kasalanan ay umibig kay sang'gre Danaya kahit pa alam nitong ang diwata ay may minamahal ng iba.

Sa madilim na sulok na iyon ay tila itinulos sa kinatatayuan si Muros. Ano't nagagawa pa rin niyang huminga samantalang ang puso niya ay tila sinasaksak ng paulit-ulit? Ang bawat ngiti at masuyong tingin ni sang'gre Danaya sa kanyang mashna na si Aquil ay tila tubig na tumutupok sa apoy ng kanyang pag-asa.

Pag-asang kahit konti ay mamahalin din siya ng iniibig niyang sang'gre.

Pumikit siya at pilit pinatatag ang loob.

"Ito na ang huling gabi para sa iyong karuwagan, Muros. Kailangan mo ng ipaalam kay sang'gre Danaya ang iyong nararamdaman." bulong niya sa sarili. "Hindi lang si pinunong Aquil ang kayang magbigay ng alay at umibig ng tapat sa'yo, Danaya."

Iyon lang at umalis na siya para salubungin ang kawal na inutusan niyang kumuha ng mga prutas na ibibigay niya kay Danaya.

Mamaya ay malalaman nila kung alin ang mas matimbang sa bunsong sang'gre.

Bulaklak o prutas?

Si Aquil ba o si Muros?

[%P�8%u��C_.

ANG SANG'GRE AT ANG MASHNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon