Untitled Part 23

531 15 23
                                    

CHAPTER TWENTY THREE


"Mahal na Hara Danaya, handa na akong sumabak sa laban. Sasama ako sa inyo."matatag na pahayag ni Aquil.

"Hindi na kailangan, Aquil. Maiwan ka dito." tugon ng sang'gre gamit ang seryoso at malamig na tinig na noon lamang narinig ni Aquil sa tinagal-tagal ng kanilang pagkakakilala.

"Ngunit Hara...."

"Hintayin mo na lamang ang aming pagbabalik. May mahalaga tayong kailangang pag-usapan." Iyon lang at umalis na ang grupong nakatakdang sumugod sa Etheria.

Noong una ay lubhang naguluhan si Aquil sa iginawi ni Danaya sa harap pa man din nina Hara Pirena, Rama Ybrahim at Muros. Nakaramdam siya ng pagkapahiya at sakit sa hayagang pagtanggi ni Danaya sa inalok niyang tulong. Panay ang tanong niya sa sarili kung may nagawa ba siyang ikinagalit ng hara.

Ngayon ay malinaw na sa kanya sa ang lahat. Ang lahat ay nag-ugat pala sa kanyang pinagmulan. Ang katotohanang siya ay anak ni Amarro, isa sa mga alagad na naglilingkod sa Etheria ngayon.

"Hara Danaya.." mahinang bulong ni Aquil pagdating niya sa kinaroroonan ng hara at ni Muros. Kababalik pa lamang ng grupo na sumugod sa Etheria at dahil sa nakaambang panganib ay ramdam ang tensiyon sa buong palasyo.

"Iwan niyo muna kami. May pag-uusapan lamang kaming mahalaga ni Aquil."

Hinintay muna ng dating mashna na masolo nila ang bulwagan bago siya muling nagsalita.

"Danaya, aking mahal. Bago ka pa magalit sa akin ay nais kong malaman mo na hindi ko inilihim sa'yo lahat ng mga bagay na nalaman mo dahil nais ko kayong saktan at lokohin. Mananatili pa rin sa Lireo ang aking katapatan." Agad na paliwanag niya.

"Totoo nga, Aquil. Ama mo nga ang Amarrong iyon!" Kitang-kita sa mga mata ng hara ang sakit, pagkabigo at pang-aakusa.

"Hindi ko ginusto na siya ay magbalik. At hindi ko ninais na nasa hanay siya ng mga kaaway!" giit ni Aquil.

"Sagutin mo ang aking katanungan!"

Huminga ng malalim si Aquil bago tumugon.

"Oo, Danaya. Ama ko siya. Ngunit inuulit ko, hindi pa rin mawawala sa Lireo ang aking katapatan." Tinangka ni Aquil na kunin ang kamay ni Danaya ngunit agad itong umiwas at sa halip ay tinalikuran siya.

"Kung ganoon ay bakit naglihim ka? Hindi ba't iyan ay tanda na hindi ka tunay na tapat sa Lireo at sa akin bilang pinuno nito? Na inilagay mo ako sa nakakahiyang katayuan lalo't batid ng lahat na may namamagitan sa atin."

"Danaya, paumanhin ngunit ama ko pa rin siya! At hindi ko siya maaaring ipahamak o itatwa!"

Nangingilid na ang luha ni Danaya nang muli itong humarap sa kanya.

"Higit na mauunawaan kita at mas madali kitang matutulungan kung ipinagtapat mo lamang sana ang lahat sa simula pa lang! Ngunit ngayon... paano kita ipagtatanggol, Aquil?! Tandaan mo na dahil ako na ang hara kaya kailangan kong unahin ang kapakanan ng Lireo kaysa sa ano pa man."

Matinding kaba ang lumukob sa kalooban ni Aquil.

"Ano'ng ibig sabihin nito? Paano tayo, Danaya?"

"Higit nga marahil na makakabuti kung wala ka na dito sa palasyo. Sa ganoon ay hindi ka na mapag-isipan nang masama ng iba dahil sa relasyon mo sa isang kaaway."

"Danaya.."

"Makakaalis ka na. Iyan ang utos ng reyna." pahayag ng hara sa mas matatag na tinig.

ANG SANG'GRE AT ANG MASHNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon