just a joke?

2.4K 16 0
                                    

Gusto ko siyang dalhin sa Clinic pero hindi siya pumayag.

They keep on telling me na mas mamamatay siya sa gusto kong gawin.

Sinundan ko sila nung lalaking umaalalay sa kaniya.

Yung kinagat ko…

Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Sa isang bakanteng room kami nagpunta. Mukhang abandoned room nga eh.

“Hey! I’m not dead, bakit ka ba iyak ng iyak?”

Tanong niya.

“It’s my fault…”

“Ayoko rin naman kasi siyang kasama kaya pwede ba ,stop blaming yourself”

Halatang nagsisinungaling lang siya.

“Bakit di tayo tumawag ng guard kanina? Kasalanan mo to eh!”

At sinisi ko yung lalaki.

Narinig kong tumawa si Ken.

“Gusto ata nitong mapaaga buhay mo bro eh”

Biglang sabi nung lalaki.

.

.

.

.

.

“Ken? Okay ka lang?”

Pasok nung isang babae.

Napansin kong nag-iba ang expression ni Ken.

Umiwas siya ng tingin dito.

Kasunod nito ang isa pang lalaki.

“I’m okay…”mahinang sagot nito.

Agad na kinuha nung babae yung gamot sa bag niya.

Girl Scout?

Tahimik ang lahat habang ginagamot nito si Ken.

“Siya nga pala, Lester, samahan mo na si Arlie sa room… may klase yan”

Napatingin silang lahat sa akin.

At yung babae, tiningnan ako nang mapanuring tingin.

What’s with her?

At tinaasan pa ako ng kilay.

Tumango yung guy kanina.

Lester pala ang pangalan niya.

“Tara na”

At inakbayan niya na ako palabas.

Inalis ko ang kamay niya.

“Lester nga pala”

Pakilala niya habang naglalakad kami pabalik  sa room.

“Arlie”

“Parang panlalaki yung name mo. Angel na lang tatawag ko sayo ha”

Angel?

Ang layo naman ata sa Arlie?

Bahala na nga lang siya.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina.

“Bakit pinanuod mo lang siya kanina?’’

Di ko maiwasang itanong.

“Mas lalo lang siyang mapapahamak pag nakisali ako… tayo…”

“Bakit?”

“Anak siya ng may-ari ng school. And he doesn’t want his dad to know. Pag nakisali pa ako, malalaman ng Mom ko sa OSDS at si Ken na naman ang lalabas na masama”

Tumango ako.

Tama nga siya.

SIGURO.

Pagtapat namin sa room.

“Pakitingnan muna gamit ni Ken ah. Papasok yun mamaya. Bye!”

At umalis na ito.

Pagpasok ko sa room.

Nandon si Alexa.

Nakuha niya pang tumawa.

Hinarap ko siya.

“Ikaw! Can’t you just accept na ayaw sayo ng isang tao? Kailangan mo pang ipabugbog! Ang sama mo!”

At sinampal ko siya.

Nagulat silang lahat sa akin.

“Bakit mo ako sinampal?”

“Bakit mo siya pinabugbog?!”

“What?sino?”

Hindi niya alam?

O nagmamaang maangan lang siya?

“Alexa ano ka ba? Binugbog ni Bruno si Ken kanina dahil daw sayo… “

Sabat ng isang kaklase namin.

“Ay oo nga,sorry di namin agad nasabi”,sabi naman ng isa sa mga kausap niya.

“Ha!? Hindi ko talaga alam. Kababalik ko lang kasi…”

Napatayo ito.

She really doesn’t know it?

“Naku! I was just joking na nasaktan ako ng sinabi ni Ken na ayaw niya akong kasama. Naku! Baliw talaga yong Bruno na yon!”

Nakonsensiya tuloy ako sa pagsampal sa kaniya.

“Sorry…”

I said.

“I deserve one. Di ko kasi pinipili yung binibiro ko eh. Ayan may nasaktan pa tuloy. Is he okay?”

Okay naman pala si Alexa eh.

Sana nakisama na lang ako kanina edi di sana nadamay si Ken.

Tumango ako.

“Buti naman. I’ll tell Bruno na mag-sorry siya. Pasensiya na rin.”

At ngumiti ito.

Bumalik na ako sa upuan ko.

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon