starting line

2K 13 2
                                    

Paggising ko…wala na siya sa tabi ko.

Kinabahan ako.

Isa lang ba tong panaginip tulad nung isang araw?

Agad akong dumiretso sa kusina.

Wala siya.

Biglang bumaba si Amber.

Tatanungin ko ba?

“Ah Amber…”

“Umaga po pala masarap mamili no?”

Pagtingin ko sa labas si Ken kasama si Tita at Tatay.

“Goodmorning!”

Bati niya sa akin.

“Eh saan ka galing?”

“Anak naman edi sa palengke”

Sagot ni Tatay.

“Alam mo bang nakatawad kami dahil ang charming nitong kaibigan mo. eh para din pala siyang si John”

Nagkatitigan kami ni Ken sa sinabi nito.

“Ah kasi po Tita”

Sasabihin ko na sanang boyfriend ko siya kaso hinila ako ni Ken papuntang kusina.

“Oh bakit mo ako hinila?”

“Basta tuturuan pa kitang magluto no! sabi ni Tatay… I mean ng Tatay mo turuan daw kita at kawawa naman ang future husband mo”

Napakamot ako sa ulo.

Nagulat ako ng higitin niya ako palapit sa kaniya.

“Kawawa naman ako”,bulong niya.

“Sira ka talaga!”

At kinurot ko siya sa tagiliran.

“Ganyan ka ba kiligin?”

At nagsmile siya.

Inirapan ko lang siya.

“Maliligo lang muna ako”

“Okay ako na lang muna. We have lots of time para i-prepare ka sa…”

“Ken you shut…”

“Oh yes officer”

At iniwan ko na siya sa kusina.

Mga 15 minutes din ako naligo.

Tapos ayos ng kaunti.

Hindi naman kasi ako masyadong conscious sa itsura ko.

Pulbos…cologne…pony… done…

Pagbaba ko…

“Goodmorning!”

Bati ni

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

JOHN…

Agad akong tumingin sa katabi ni Amber.

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon