Nasa sala kami ngayon.
Well, I still can’t believe that happened.
Pero bago ko isipin yon.
I have to face this first…
Si Tatay.
Kanina pa siya palakad lakad sa harap namin.
“Tay ano ba nakakahilo!”
Reklamo ko.
Huminto siya.
Kabado na talaga ako.
Lalo pa’t sa ganong posisyon niya kami inabutan.
“Kailan pa naging kayo ha?”
Tanong ni Tatay.
Si Amber nakaupo lang sa sofa at nakikinig.
“Tay si Amber paakyatin muna…”
“Kanina lang po”
Sagot ni Ken.
Lokong to!
Lalo akong malalagot nito.
“Kanina? Tapos may yakapan agad? Ilang buwan ka ba nanligaw?”
Ligaw?
Dumaan ba kami sa ganon?
Tumingin ako kay Ken.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya malamang.
“Ah… ang totoo po niyan Tay”
“Dalawang linggo po after the first day of class. Matagal tagal na rin po”
Ano daw?
“Ibig sabihin nung pumunta ka sa ospital, nililigawan mo na si Ate, Kuya?”
Sabat ni Amber.
Ngumiti ito at tumango.
Tiningnan ko siya.
“--sinungaling nito stare—“
“Kung ganon paano na si John ha Arlie?”
Tumingin ako kay Tatay.
“Ah…eh ano po… hindi ko pa po nasasabi…”
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
.
.
.
.
.
.
“Sasabihin po namin bukas. Kaibigan ko din naman po kasi yung si John”
“Mabuti na yung malinaw. Sa totoo lang, malaki ang pagsisisi ni John na iniwan ka niya non anak. Nasabi niya na ba sayo ang lahat?”
Nasabi ang lahat?
“Hindi pa po kami nakakapag-usap ng maigi”
Sagot ko.
Lalong humigpit ang hawak nito sa kamay ko.
“Mas mabuting kausapin mo muna siya mag-isa nang maging fair ka sa kaniya”
Sabi ni Ken, staring straight into my eyes.
Ngumiti lang ako.
“Gabi na at mukhang uulan pa mamaya. Dito ka na matulog”
Sabi ni Tatay na gumulat sa amin.
“Po? Uuwi na lang po…”
“Bakit may gagawin ba kayong iba ha?”
Si Tatay nakakahiya.
Ang init tuloy ng pisngi ko.
“Diyan na lang kayo sa sala matulog.”
At pagkasabi non umakyat na si Tatay.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Matulog na nga tayo”, I said.
“Sa kwarto mo…”
Binato ko siya ng unan ng sofa.
“Aray! Bakit?”
“Kotongan kita diyan eh.”
“What I’m trying to say. Sa kwarto mo na ikaw matulog at ako na lang dito”
Lalo tuloy uminit ang pisngi ko.
“Ate oh ito na unan at kumot mo… saka kaya diyan kayo pinapatulog ni Tatay nandyan si Tita saka si Tito. Ah saka maaga daw kayo bumangon dahil kayo daw magluluto”
“Ano?”
React ko.
Alam niyo namang epic fail ako sa pagluluto.
“Ah sige. Sige”
Mayabang na sagot nitong katabi ko.
“Sige goodnight!”
At umakyat na si Amber.
“Hoy ang lakas ng loob nitong umo-o diyan”
“Naturuan ako ni Ange…”
Hindi niya na natuloy yung sinasabi niya.
“Angel…”,tuloy ko.
“Tara na matulog na lang tayo”
At niyakap niya ako sa bewang habang nakahiga siya.
“Ken…paano na si Angel?”
Nakapikit na ito.
“Alam naman niya eh”
“Alam?”
“We’re never more than friends. At least I tried pero ikaw lang talaga ang mahal ko”
Humiga na ako sa tabi niya.
I touched his nose.
“Eh bakit ganon na lang kung ma-excite ka kung ano isusurpresa mo sa kaniya?”
“Kasi… akala ko kaya ko”
Dumilat siya.
We’re inches away.
“Kaya mong?”
“Ibaling sa iba yung nararamdaman ko sayo”
Then he kissed my nose.
“Eh kailan mo sasabihin na…”
Natigil ako nang idampi niya ang labi niya sa labi ko.
“Enough officer okay? Bukas… I’ll settle my problem and ikaw din kaya kung pwede? Sleep na”
And he kissed my eyes.
“Close it. Sweet dreams and I love you”
“Hmmm… I love you too”
And I hugged him tighter… closer that I can feel his heartbeat.
“Tsansing ka na ah”, he whispered.
I just smiled.
And
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz….
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))