torn feelings

1.9K 11 1
                                    

Amoy bacon at hotdog.

Dinilat ko yung kaliwang mata ko.

Wala na si Carl sa tabi ko.

“Gising na! kakain na tayo”

Si Jed.

Umupo na ako.

“Ah oo sige sige”

Hinagisan niya ako ng towel.

“Maghilamos ka bata!”

Tumayo na ako at dumiretso sa C.R.

Naghilamos lang muna ako.

Naku! Mangangati ako nito dahil sa make-up na di ko naalis agad.

Pagbaba ko.

Nakaupo na sila Carl.

“Kain na!”

Punong puno siya ng energy.

Ding dong. Ding dong.

“Carl may nagdodoor bell”

Para kasing wala itong naririnig.

“Aso lang yan ng kapit bahay”,sagot nito.

“Aso?”

“Arlie kumain ka na lang”

Kakain na sana ako pero…

“LABSSSSSSSS! MAG-USAP NAMAN TAYO! MAHAL KITA. IKAW LANG!”

Si Lester yon ah.

“Pssh. Bwisit ang aga-aga, kumakahol!”

At naglagay ito ng headset.

Si Jed naman back to walang pakialam mode.

Siniko ko siya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Sinenyas ko na buksan niya.

Umiling siya.

“Akyat lang muna ako. Mag-mall tayo after sagot ko lahat”

At umakyat na si Carl.

“Hoy! Nakakaawa na si Lester sa labas”

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon