Guilty---->Ken’s POV
Huh? Tama ba ang nakikita ko?
Si Jed at Arlie?
Ibang klase talaga ang babaeng to.
Kanina lang nakita ko siyang hila hila si Lester,ngayon naman.
Anong balak niya?
Pumasok ako sa kwarto…
“Ken!?”
Syempre magugulat siya na nakita ko sila.
Agad siyang kumalas ng yakap kay Jed.
“Yung kamay mo,hindi mo pa rin…”
At nilapitan niya ko.
Nilabas niya yung panyo niya.
Umiiyak siya?
Hinawakan niya yung kamay ko.
Ano bang naiisip niya?
Binawi ko ang kamay ko.
“Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?”
Sigaw ko.
Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko.
Pero hindi ko to nagugustuhan…
“Hindi mo kami pwedeng pagsabaying tatlo. Kaya ka siguro na-kick out sa school, dahil lahat ng babae galit na sayo! Kasi masyado kang flirt!”
Dumating si Lester.
“Ken, anong sinasabi mo dyan?”
Halatang nagtataka ito.
“Kanina, ikaw ang kasama niya, tapos I saw them hugging each other,ano? Gawain ba yan ng matinong babae?”
Galit na galit ako.
I have to admit na wala akong…karapatan na magalit…na sabihin yon…
Pero…
“Kinausap niya lang ako dahil nag-aalala siya sa’yo”
Biglang sabi ni Lester.
Nakayuko lang sa harap ko si Arlie.
“I said something mean…niyakap ko siya”
Jed said.
Nakita kong nakakuyom ang palad ni Arlie.
Mali ang nasabi ko…
Alam ko…
Pero…
Bakit ba ako nagkakaganito?
“Yun naman pala ang tingin mo sa akin eh, wala kang pinagkaiba sa … “
Di niya na tinuloy ang sinasabi niya.
Tumingin siya sa akin.
Umiiyak siya.
Wala akong magawa.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Sorry kung nilalandi ko ang mga kaibigan mo”
At tumakbo na siya palabas.
Grabe ang pagtibok ng puso ko.
I really did something wrong…
Pero hindi naman ako ganito eh…
Hindi…
“Bakit ba ganiyan ka na lang mag-react?”
Jed asked me.
“Ano naman kung magkayakap kami? Ano mo ba siya?”
“Tama na Jed, don’t make matters worse”, pigil ni Lester dito.
“Are you jealous?”
Jed won’t stop.
Jealous?
Selos?...
I don’t know…
I went straight sa pintuan.
“Ganiyan ka ba talaga? Pag naiipit na, you tend to escape and save yourself?”
“Jed, tama na yan”
Ayokong makipagtalo.
Kahit ako naguguluhan.
Bakit malaki ang epekto niya sa akin?
I need to find her.
Kailangan kong mag-sorry.
Cause I’m charged guilty.
Guilty ako sa ginawa ko.
sa nasabi ko...
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))