familiar

1.7K 11 2
                                    

“Teka paano mo nalaman pangalan ko?”

Tanong ko.

Napatingin ako sa I.D ko.

Ah oo nga malaki pala ang pangalan ko dito.

“Teka hindi mo ba ako naaalala?”

And he handed me my broken phone.

Ito pa yung regalo sa akin ni Tatay.

“I guess ako yung nabato mo sa ulo pero ikaw ata ang nag ka memory loss in return”

At ngumiti siya.

Eh sa hindi ko na tanda eh.

Basta alam ko pamilyar siya.

“Bakit nag-away ba kayo ng boyfriend mong late?”

Boyfriend kong late?

Ah…

Siya yung guy sa restaurant na nagsabing bagay sa akin ang pangalan ko.

“Arlie ano magsisimula na tayo!?”,sigaw ni Tito Jay.

“Ah o..opo…”

“Sige mamaya na lang. compensate for the damage ha!?”

at umalis na siya.

And my first day as reporter went well.

Ang galing.

“Good job arlie! Magprepare ka na at aalis na tayo”

“ThanksTito. Sige po”

Umupo muna ako sa ilalim ng puno.

“Haay! Paano na to? Sira na ang phone ko!?”

Sinubukan kong buksan pero wala na talaga.

Asar! Wala pa naman akong sahod. Ipon ko naman para kay Amber na nasa exclusive high school.

“Ms. Faith”

Napalingon ako yung lalaki kanina.

Ms. Faith?

“Ms. Faith!?”

Tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko.

“Paupo ako ah”

“Umupo ka na kaya”

Totoo naman eh.

“Haha! Oo nga naman”,sagot niya.

“Ah eh paano ba ko makakabayad diyan sa bukol mo?”

Tanong ko na.

“Ahmm… sige, bigay mo na lang number mo sa akin”

“Ha?”

“Cellphone number mo”

Nang-aasar ata to eh.

“Iba na lang. kita mo tong phone ko?”

At pinakita ko yung phone ko.

Bigla niyang hinagis sa akin ang isang paper bag.

“Ano to?”

“Salang mo na diyan ang sim mo”

Pagbukas ko… weh? Cellphone?

Isang LG phone…yung chocolate yung itsura.

“Ha? Eh bakit?”

“Para makabayad ka na sa akin”

Ang mahal ng LG phones ah. Eh baka lalong lumaki utang ko sa kaniya.

“Eh baka lalong lumaki utang ko sayo no!?”

“Haay! Akin na nga!”

At kinuha niya ang phone kong sira at tinanggal yung sim.

Tapos kinuha niya yung LG phone at nialagay don yung sim ko.

Tapos may pinindot siya.

“Oh ayan”

He hand me the phone.

“Nilagay ko na yung number ko diyan. Don’t forget to text me ha! Sige na alis na ako”

“Teka”

“Edward… pero I’d like you to call me Nik, Nik na rin nga pala sineyb kong name ko diyan. I’ll be seeing you again and again”

At umalis na siya.

Ang ugali niya.

Pinaghalong John at Ken.

Pagtingin ko sa wallpaper…

May guy na nakahawak ng white rose while raining at habang may fireworks display.

Biglang kumabog yung dibdib ko.

Bakit parang may pinapahiwatig ang wallpaper na ito?

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon