Hinatid ako ni Ken sa bahay.
“Sige na!salamat sa paghatid”,paalam ko.
“Simba tayo bukas”,yaya niya sa akin.
“Ha?”
“Wag na nga lang… nakakasawa na yung mukha mo eh”
Pagkasabi non ay umalis na siya.
Para talagang ewan yung lalaking yun.
Pagpasok ko sa kwarto ko.
Nakita ko na naman ang mukha ni John.
Hindi naman siguro maling maging masaya ako minsan ng hindi siya ang dahilan.
Buong Sunday akong nasa Ospital.
Sinamahan ko si Tatay na magbantay kay Amber.
Matamlay lang si Amber.
Nakatingin lang siya sa labas.
“Amber, gusto mo kantahan kita?”
Umiling siya.
“Maglaro…”
“Ate hindi ako tulad mo… pinipilit magmukhang okay kahit hindi naman talaga”
Napangiti ako.
Minsan talaga para siyang matanda kung magsermon sa akin.
“Si Tatay?”
“Ah… umuwi… kukuha daw siya ng damit mo”
“Bakit di na lang kaya dalhin yung aparador dito?”
“Ikaw talaga”
Mahal na mahal ni Tatay si Amber.
Lahat gagawin niya mapagaling lang ito.
Nang mamatay kasi si Nanay…
Si Amber lang ang nagbigay saya sa pamilya namin.
Kay Amber kumukuha ng lakas si Tatay.
At ako dati kay John…
“Arlie… may naghahanap sayo”
Dumating na pala si Tatay.
“Sino po?”
“Hi!”
.
.
.
.
Ken!?
“Anong ginagawa mo…”
Nilapag niya yung dala niyang prutas.
“Hi ako nga pala si Ken!”,bati niya kay Amber.
“Hello po… boyfriend po ba kayo ni Ate?”
“Amber!”,saway ko dito.
“Hindi no! hindi ko type si Ate mo!”
Sabi niya dito.
“Eh bakit ka po nandito?”
“Dinadalaw po kasi kita”,sagot niya dito.
“Ako po!?”
Nakangiting tanong nito.
Tumango si Ken.
“Gusto ko pong lumabas”,sabi niya kay Ken.
“Pero diba dapat magpahinga ka lang?”
Tanong ni Ken dito.
“Pero po…”
Paiyak na ito.
Ganiyan si Amber pag di nasusunod yung gusto niya.
“Oh… wag kang iiyak! Tayong mga lalaki… hindi umiiyak… teka ipapaalam kita sa duktor mo ah”
Pag-aalo niya dito.
Sinamahan siya ni Tatay.
Pagbalik nito.
“Ano pong sabi…”
“Syempre hindi…”
Humikbi na si Amber.
Tumingin sa akin si Ken.
“Hindi sila humindi sa gwapo mong kuya!”,dugtong nito.
Napa-upo si Amber sa sinabi niya at niyakap ito.
Napangiti ako.
“Tara na?”
“Opo!”
“Arlie samahan mo na sila diyan sa baba. Ala singko eh umakyat na kayo ah”
Bilin ni Tatay.
Pagbaba pa lang naglaro na agad sila.
Swing dito…
Slide doon…
Natawa ako sa naisip kong magiging good daddy si Ken pag nag-asawa na siya.
Maya-maya lang umupo na sila.
“Pahinga na tayo ah”
“Pero promise Kuya…babalik ka ah”
“Oo naman”
Pinunasan ko ang pawis ni Amber at pinalitan ng damit.
Umupo sa tabi ko si Ken.
“Napagod ka no?”
Tanong ko dito.
“Hindi… nag-enjoy nga ako eh… akala ko noon hindi ko gusto ang mga bata eh mali pala ako”
Sabi niya.
“Kuya kargahin mo ako oh!”
Pangungulit ni Amber.
“Amber pagod na…”
Pero binuhat na siya ni Ken.
Nagturo ng cotton candy si Amber at ng kung ano ano pa.
Nakakahiyang lahat ng gusto nito eh binibili niya.
Pagbalik nila eh tulog na ito sa balikat niya.
“Akin na”,sabi ko sa kaniya.
“Hindi na”
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
“Tara na!”
At inakyat na namin si Amber.
Nagpasalamat si Tatay sa kaniya.
Sumabay na rin ako sa kaniya pauwi.
Sa loob ng kotse… tahimik lang kami…
Hindi ako sanay…
“Ken patugtog ka naman oh”
Pagbasag ko sa katahimikan.
“Hindi ko dala yung i-pod ko eh…teka radyo na lang tayo”
Pagbukas niya…
“Pag-ibig na kaya”,ang tugtog.
~ di na maalala paano nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawataraw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?~
“Patayin na lang natin ah… ang corny eh”,sabi niya.
Buti na lang at di kami natraffic.
“Ah sige ah salamat sa araw na to”,paalam ko sa kaniya.
“Wala yon..ah sige bukas na lang”
“Bye”
At umalis na siya…
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
dito po muna :))
salamat sa oras :))
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))