Pagdating ko sa bar nila Lester.
Nandon na sila Jed at Alexa…Carl at Ter…wala si Ken.
Naku! Lagot!
I texted Nik…pinapupunta rin kasi siya ni Carl.
Pero malelate daw siya dahil sa may shoot pa siya.
Pagdating ko sa table.
“Nasaan si Ken?”
Tanong ni Lester.
“Ah malelate”
Tumabi ako kay Jed.
“Nagtext din sa akin. Malelate daw. Saka may sasabihin daw na mahalaga”
Sabi ni Lester.
Wow! Buti pa siya tinext ni loko.
“How’s three months without us?”
Tanong ni Carl.
Grabe! Nakakapagod.
“Ah masaya naman. Ah mas lalo kaming nagkaoras para sa isa’t isa”
Damn lie!
“Exactly…yun ang purpose namin!”
Nakangiting sabi ni Alexa.
Ngumiti lang ako.
“Alam mo ba ang ibabalita niya labs?”,tanong niya kay Lester.
“No clue eh…wala akong alam”
“Baka naman magpopropose na siya!”
At nagtilian sila Carl.
“Oh ayan na pala siya!”
Napalingon ako.
Si Nik pala.
Tumabi siya sa akin.
“Hoy Pogi dito ka sa kabila at pwesto yan ng boa niya!”
Sigaw ni Carl.
“Ay sorry!”
Paalis na siya sa pwesto niya nang dumating si Ken…
SILA KEN…
“Who’s that?”
Tanong ni Alexa.
“Ah…si Emerald…friend niya”
Sagot ko.
Tumango naman si Lester.
So imbis na umalis si Nik sa tabi ko …he stayed.
Humigit kasi ng upuan si Ken sa pwesto sana ni Nik..
At there…magkatabi sila.
“Wew! May sasabihin ba kayo?”
Tanong na ni Carl.
Katahimikan.
“Damn! Ano ba!? Kada magkakasama na lang ba tayo ganito!”
Sigaw nito.
“Carl naman…wala namang problema eh”
Sagot ko na.
“Kung wala eh bakit hindi kayo magkatabi?”
Tumayo ako at dinala ang upuan ko sa tabi ni Ken.
“Oh ayan na ah!”
Hindi ko alam pero ayoko ng pakiramdam.
Katabi ko siya pero…parang ang layo niya na.
Tahimik ulit ang lahat.
“Ah teka teka may tawag ako…”
And I look at Ken.
Tumango siya and followed me.
Sa labas…
“Anong nangyayari?”
Simula ko na.
Nakasandal lang ako sa pader.
“Wala”,sagot niya.
“Eh kung ganon…bakit ni hindi ka nagparamdam ng tatlong buwan?”
“Busy”
“Kahit Sunday?”
Tumabi siya sa akin at sumandal din sa pader.
“Arlie…”
“Oh?”
Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.
“Narealize mo na bang wala akong kwenta?”
Tanong niya.
“Baliw! I agreed sa ganong set-up…kaya hindi”
“You’re still enduring the pain?”
Tumingin ako sa kaniya, nakayuko lang siya.
“Oo naman…bakit dapat ba bumitaw na ako?”
“Oo”
Hinampas ko siya.
“Paano ko magagawa eh mahal kita?”
I managed to say.
Ngumiti lang siya.
“Mahal mo pa ba talaga ako? O nasanay ka na lang na ako yung mahal mo?”
Humarap siya sa akin.
“Arlie hindi mo na ako mahal”
He said,staring right to my eyes.
“Ano bang…”
“Say it…”
“Mahal kita!”
“Ayoko na”
Natahimik ako.
Ayaw niya na?
I wasn’t expecting this to happen.
Ang ini-expect ko…magsosorry siya…he’ll say he missed me.
Hindi ito.
Hindi ayoko na!
“Hoy tatlong buwan tayong di nagkita ni nagkausap! Tapos yan ang bungad mo sa akin! Hindi magandang biro yan!”
“Hindi ako…”
“Shut up!”
At pumasok na ako.
Ayokong magtagal don.
Ayokong matapos kami ng ganon na lang.
Pag-upo ko.
“Okay na kayo?”
Tanong ni Nik.
Ngumiti lang ako.
Umupo na rin siya sa tabi ko.
“So Ken,ano nga pala yung ibabalita mo”
Kumuha muna siya ng basong may alak.
And what I saw…scared the hell out of me… a ring…
He’s wearing a ring.
“We’re getting married!”
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))