Muntik ko na siyang hindi pakawalan.
Miss na miss ko na siya.
“Napagod ka siguro kaya nakatulog ka agad pag-alis ni Kuya John. Tingnan mo inabutan pa kitang nakapikit dito sa labas”
“Ha?”
Si John nga talaga ang lalaking mahal niya…
“Pasensiya na”
Lumingon siya.
Hinahanap niya kaya ako?
Asa ka pa Ken.
“Ate umiiyak ka ba?”
Paalis na sana ako ng marinig ko si Amber.
“Ha? Ah hindi”
Ganon niya ba namiss si John?
“Namimiss ko na rin yung isa kong Kuya, Ate, kailan ba siya bibisita?”
Napansin kong ngumiti siya.
“Ate sino ba sa kanila ang mas gusto mo?”
Tanong pa ni Amber.
“Ha?”
“Kasi Ate kahit bumalik na si Kuya John, hindi ka pa rin masaya. Pero nung kasama natin si Kuya Ken, nakita kong totoong saya ang nararamdaman mo. mas gusto mo na ba siya?”
Kasi Ate kahit bumalik na si Kuya John, hindi ka pa rin masaya. Pero nung kasama natin si Kuya Ken, nakita kong totoong saya ang nararamdaman mo. mas gusto mo na ba siya

Parang plakang sira na.
Paulit ulit sa isip ko.
Arlie…
Mahal mo rin ba ako?
“Pumasok na tayo. May lakad pa ako mamaya eh”
Sabi niya lang.
Bago siya pumasok.
Lumingon lingon muna siya.
Kahit sa malayo…
Makita man lang kita.
Masaya na ako…
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))