Tumawag si Angel.
Nasa airport na daw siya.
Ihahatid kasi si Princess.
Babalik na kasi yon sa France.
Hindi na nakasama si Lester, kailangan niya daw ng isang buong araw para maayos ang kanila ni Carl.
Kasi naman ang lalaking yon, hindi na lang nagsabi kay Carl na ginagawa niya lang yon dahil paalis na si Princess.
Playboy naman kasi talaga ang lokong yon at syempre, hindi naman nawawala ang feelings niya dito.
She’s his first love.
Who can blame him?
“Ikaw na magpaliwanag sa freak na gf ni Lester.saka ayon sana maglast kayo ng pinsan ko”
I smiled.
Nagyakapan na sila at umalis na si Princess.
“Oy! Kanina ka pa tahimik babe”
Pansin ni Angel sa akin.
Paano ko ba kasi sasabihin?
“Kain muna tayo?”
Yaya ko.
“Hmm… parang nagiging sweet ka na sa akin babe ah”
“Ah… matagal na akong ganito”
“Sus! Are you starting to fall sa akin?”
Pwede sana…
Kung wala si Arlie.
Hinawakan niya ang kamay ko.
I just let her.
Sa Mang Inasal kami kumain.
Gusto niya daw kasi ng chicken bbq.
“Ahmm babe, something’s bothering you?”
I looked at her.
“Hmm… why?”
“Angel…”
“What? Are you breaking up with me?”
Diretsang tanong niya.
I sighed.
“Bakit narealize niya na ba ang worth mo?”
“Angel kasi…”
“Alam ko sa simula pa lang na… pwedeng mangyari to. Yun nga lang. minahal kita. That’s where I’m whitewashed”
Nangingilid na ang luha niya pero pinipigil niya lang.
“I’m sorry”
“Babe wag kang magsorry oh. Alam kong hindi mo naman to gusto eh”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“I tried…pero…”,simula ko.
“I know…at least proud akong naging boyfriend kita ng three days? Haha!”
Her laugh makes me more guilty.
Alam kong nasasaktan siya.
“Naku! Ayan naiyak na ako sa katatawa”
Tapos pinunasan niya ang luha niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
The only thing I can do is wipe away her tears.
Pinunasan ko ang mga luhang ako ang nagdulot.
This may sound gay pero yun lang ang magagawa ko.
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))