INTERVIEW

2K 8 2
                                    

Bakit ka nakamaskara Mr. Donassier?”

Si Ken?!...

“Don’t mind me Sir.”

At tumabi na siya sa akin.

“Sabay tayong maglunch nila Lester ah”

Masiglang sabi niya.

“Ano yang pakulo mo?”

Tanong ko.

“Condition number one, ayaw mong makita pagmumukha ko”

Sabi niya lang at kinuha niya na yung libro niya.

“Alam mo…baliw ka na”

“Hanggang di tayo okay di ko to tatanggalin”

Sige.

Panindigan mo yan.

Pagdating ng lunchbreak namin.

Nakaabang na agad sila Lester.

Nakakapanibagong nauunang maglakad si Ken sa akin.

“Condition number two. Di na kita sinusundan ah”

Sabi niya.

“Ano na naman yan at nakamaskara ka?”

Tanong ni Lester dito.

“Someone don’t want to see my handsome face”

“Buti nga sayo!”,pang-aasar ni Carl.

Bineso niya ako.

“Wag mong patatawarin agad ng madala yan ah”

Sabi niya pa.

“Ang corny ng idea”

Yun lang ang sinabi ni Jed at bumalik ulit sa pagbabasa.

“Mas corny  naman ang magbasa”

Bwelta ni Ken.

“Ano bang makukuha mo sa pagmumukhang tanga ha?”

“Jed tama na yan”,sita ni Carl.

“Makukuha ko ang pagpapatawad ng mahalagang tao sa buhay ko”

Sagot nito.

“Weh! Ang cheesy mo ah”

Pang-aasar ni Lester.

Napansin kong napangiti ng kaunti si Jed.

Ang weird niya talaga.

“Haaay naku! Kumain na nga lang tayo!”

Yaya ni Carl.

Hinila na ako ni Carl papuntang Canteen.

“Dito na lang tayo kumain may quiz kami sa Bio eh”,sabi nito.

“Alam mo Carl ang GC mo!”

“Naku Lester, kesa naman umasa ako sa katabi ko diba?”

“Sino ba katabi mo?”,tanong ko.

“Si Lester”,sagot niya.

Nagtawanan kami.

Habang kumakain kami.

Napansin kong di kumakain si Ken.

“Hoy! Bakit di ka kumain ha?”

Puna ko dito.

“Di pwede”sagot niya.

“Bakit kailangan mo bang mag-hunger strike para mapatawad ka niya?”

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon