Love?----> Ken's P.O.v

1.8K 5 1
                                    

Nakita ko si Arlie na pumunta sa kitchen.

Uminom ito ng tubig at naglakad ulit.

I followed her.

Saan naman kaya ang punta nito eh madaling araw na?

Baka di rin siya makatulog kagaya ko.

Kasama ko si Angel sa isang kwarto.

Lalaki ako.

And I don’t feel at ease about that.

Lalapit sana ako sa kaniya pero bigla siyang may kinuha sa sofa.

Cellphone…

Naiwan na naman ni Angel ang phone niya.

Hindi kasi siya sanay na ganon ang itsura ng phone niya.

(Bumili lang siya ng phone na kagaya ng akin para daw couple’s phone kami.)

Binaba niya yung phone sa table.

Bakit parang malungkot siya?

Siguro iniisip niya ang pagdating ng ex niya.

Naikwento kasi sa akin ni Lester na uminom ito dahil don.

Doon ko naisip na malabong malimutan siya ni Arlie…

Na wala akong chance..

Mukhang nakatulog na ito.

Paakyat na ako nang…

“Ikaw…”

Tawag niya.

Nilapitan ko siya.

“Ako?”

“Mahalaga ka sa akin…”

She continued.

Nakapikit pa rin siya.

I touched her face.

Hindi ito nagreact.

Nananaginip lang siya.

Aalis na sana ako…

Pero…

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Dito ka lang…wag kang umalis…”

Bulong nito.

Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

Anong gagawin ko?

Tinitigan ko ang mukha niya.

Para siyang natutulog na anghel.

Ang maamo niyang mukha.

Swerte ng lalaking mahal mo…napakaswerte…

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

“Sweet dreams”

“Malamig…”,she said.

Haay! Bakit kasi dito ito nakatulog?…

Kumuha ako ng kumot at unan sa kwarto.

“Saan ang punta mo?”

Si Angel.

Gising pa pala ito.

“Ahh…”

“Hindi ka rin ba makatulog?”

At niyakap niya ako.

“Ah oo eh”

I just answered.

“I love you”,she whispered.

“Matulog ka na, maaga pa tayo bukas”

I told her at kumalas na siya ng yakap sa akin.

“Tapatin mo nga ako Ken”

I stared at her confused.

“Mahal mo ba talaga ako?”

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung mahal ko na nga siya.

Ang alam ko lang masaya ako na kasama ko siya.

“Oo naman”,sagot ko na lang.

She lean forward and kissed me sa lips.

“I love you”

At niyakap niya ulit ako.

Okay…she has to hear it.

“I love you too”

At lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon