Paggising ko kinabukasan nakaalis na si tatay.
Iniwanan lang nila ako ng almusal.
Namumugto ang mata ko pagtingin sa salamin.
Pero kagabi hindi si John ang napanaginipan ko kundi si Ken.
Wala akong ganang pumasok.
Kaya nagkulong lang ako sa kwarto.
Wala rin ako sa mood kumain.
I stayed in my room for countless hours…
Walang ibang pumapasok sa isip ko maliban sa nangyari na yon…
Naku! Bakit ba siya ang iniisip ko?
Pag-uwi nila Tatay.
I lied na pumasok ako.
Parang ayoko na talagang pumasok.
Pano ko ngayon haharapin yon?
Bahala na.
Kinabukasan…. I decided na pumasok na…
Nasa bahay din kasi si Tatay…
Naglalakad ako non sa corridor nang…
“Mag-usap tayo”
Paglingon ko si Ken yon.
“Ayoko. Wala tayong dapat pag-usapan”
Sagot ko.
At binilisan ko ang lakad ko.
“Baka madapa ka na naman. Magdahan dahan ka nga”
“As if you care”
“Please hayaan mo naman akong makapag-explain oh!”
“Explain yourself somewhere else. Iba na lang lokohin mo”
Humarang siya sa daanan ko.
“Look I’m sorry”
“I don’t care. Pwede ba umalis ka na sa daanan”
“I won’t hanggang di tayo okay”
“Well hindi kita patatawarin”
“Look malelate na tayo sa first class oh”
“As if you care”
“Eh sige paano ka?”
“Hindi ako takot maabsenant”
Sagot ko.
“Please I’m really sorry. Really.”
“Bakit mo ginawa yon??”,I asked him.
“…”
Hindi siya sumagot.
Tumalikod na ako.
As if namang takot akong di ako maka-attend ng first subject ko.
Sa Canteen ako pumunta.
Sumusunod pa rin siya.
“Wag ka na kasing magalit”
As if namang ganon kadali yon?
“Sige I’ll do anything you want… hey look I’m really sorry”
Napakasincere na naman niya.
Nakakainis na makita ko lang ang ganiyan niyang expression…
Parang gusto ko na agad siyang patawarin…
Stop Arlie…Stop…
Kailangan niya munang magtanda.
“Sige patatawarin kita in three conditions”
“Three? Pwedeng isa na lang”,tawad niya.
“Wag na lang kaya!?”
“Sige na, sige na”
Napangiti ako.
“Una,ayokong makita ang pagmumukha mo!”
“Pangalawa, ayokong sinusundan mo ako “
Ano pa ba?
Wala na akong maisip…
“Pangatlo…patatawarin lang kita pag …nakalipad na ako”
Haay! Ano ba naman yung sinabi ko?
Para namang when hell freezes yung gusto kong mangyari.
Tumayo na ako…
Bahala siya…
Lumingon ako.
Hindi niya na nga ako sinundan.
Buti na lang pinapasok pa rin ako ni Mr. Franco kahit late na ako.
Pagkatapos niyang maglesson ay pinagawa niya kami ng seatwork.
Bakit ba kasi kailangan ng algebra sa masscom!?
Busy ako sa pagsosolve nang…
Bigla silang nagtawanan.
Pagtingin ko sino?!...
BINABASA MO ANG
the SIGNS(COMPLETED) :>
RomanceA STORY ABOUT CHANCES...SIGNS...DESTINY...MOVING ON... KAPAG INIWAN KA BA NG TAONG MAHAL MO, GAANO KA KATAGAL MAGHIHINTAY? PAANO IF SOMEONE SHOWED UP? ARE YOU GOING TO LET HIM GO BECAUSE OF YOUR PAST? O HIHINGI KA NG SIGNS? :))