THE RULE

1.9K 10 2
                                    

Hanggang sa paggising ko, di pa rin ako maka move on sa wallpaper ng phone niya.

Ano naman kaya ang sumayad sa isip niya at yung picture ko ang napagtripan niya?

Napansin kong ito ang unang beses na hindi nabasa ang unan ko ng luha.

Hindi ko siya napanaginipan?

Pagbangon ko kinuha ko ang unan na may mukha niya.

“Ikaw? Hindi mo ba ako gustong makita kagabi? Kahit ba sa panaginip,ayaw mo na talaga?!”

Diba  sabi nila pag napanaginipan mo daw ang isang tao, ibig sabihin gusto ka niyang makasama?

O naiisip ka niya?

Teka…oo nga pala.

I have to get ready na.

Anytime, baka tumawag na si Ken.

Tiningnan ko ang phone niya.

May isang text…

Galing kay…

~bro John~

Bro, im comin’ soon.

This year,let’s have our reunion.

I want u to meet the girl I’m planning to marry.

JUST JOKING. :p

Call me Bro +_<

John?

Siguro naman, hindi siya ang John ko?

Imposible!

Kilala ko na ang lahat ng kaibigan niya.

Binitawan ko na ang phone niya at naligo.

Pagkatapos kong maligo. I need to decide what to wear.

Naalala ko yung sinabi ni Lester.

Something black.

Just his luck.

Okay luck ko na din.

One of my favorite color is black.

Pero dress?

I only got one.

Ito yung sinuot ko nang nanuod kami ng concert ng PNE.

Naglugay ako ng buhok.

Ayoko namang isipin niya na nagresearch ako para sa date ,I mean friendly date namin.

Biglang nagring phone niya.

Unregisterd  number..

Sinagot ko.

“Nandito na ako sa labas, Angel”

Si Ken…

“Bababa na po”

Paglabas ko.

Si Ken?!...

Naka-shorts siya at plain black shirt.

At ako nakadress?!!

Buti na lang nakatalikod siya.

Dahan dahan akong naglakad papasok…

“Hey?! Angel?”

Tawag niya.

Haaay! Naku naman!

Lumapit siya at…

Tumawa…

“Lester told you the tips?!pati ba naman ikaw pinagtripan niya?”

At tumawa ulit ito.

“Magpapalit lang ako!pumasok ka muna!”

Inis kong sabi.

“Aba! Dapat lang magdya-jogging tayo tapos naka dress ka!?”

Lalo itong tumawa.

Umakyat ako sa taas at nagshorts na lang at plain black shirt.

Pagbaba ko..wala ito sa sala..

Nakaupo ito sa dining area …

At anong..

“Ang tagal mo ginutom na ako sayo eh”

Kumakain.

Nakakamay lang ito.

Parang di mayaman kong umasta.

“Pinagtyagaan ko na tong sunog na pritong itlog mo ah,no choice eh sana dinala ko na lang ref namin”

Haay! Ang yabang talaga!

Tumayo na ito at pumunta sa hugasan.

“Teka!”,awat ko.

Diba bawal paghugasin pag hindi pa nakakatulog sa bahay?

“Ano? Bakit?”

Tanong niya.

I told him na ayon nga bawal.

“Haay! Ang laki mo na para maniwala sa mga ganiyan! Kaya madalas mahirapan ang mga tao eh, they tend to live in the past”

At iniwanan niya na yung hugasan niya.

Humiga siya sa sofa.

“Hoy! Anong gagawin mo?’’

“Edi matutulog para mahugasan yung kinainan ko. Bahay mo to kaya I will follow your so ancient rule”

At pumikit na ito.

Habang nakapikit siya ay tinitigan ko siya.

Cute pala talaga siya..

Para siyang si Lee Min Ho na maputi at may lubog na dimple sa kanang pisngi.

“Haay! Di ako makakapaghugas niyan eh”

Nagulat ako.

Kanina pa ba niya nararamdaman ang pagtitig ko sa kaniya?

“Bakit naman?!”,tanong ko.

“Stop staring!”

“Asa!”

At binuksan ko na lang ang t.v.

“Angel”, tawag niya.

“Oh?!”

Pero sa t.v pa rin ako nakatingin.

Di ito sumagot.

Nilingon ko na siya.

Is he asleep?!

“Angel”,tawag niya ulit.

I snapped near his face.

Tulog ito pero tinatawag niya ang pangalan ko?

Anong ibig sabihin…

Bigla itong dumilat.

“Pinagnanasaan mo ata ako eh”

At ngumiti ito.

Sinampal ko siya ng mahina.

“Baliw”

“Gisingin mo ako after 10 minutes ah”

At pumikit na ulit ito.

Napangiti ako.

Pasaway.

the SIGNS(COMPLETED) :&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon