MOVE ON

2.1K 10 1
                                    

Pagpasok ko kinabukasan… sinisipon na ako.

Siguro kasi nagtali na naman ako ng buhok kahit basa pa.

Maaga na naman ako.

Wala pa yung mga kaklase kong tc at gc eh.

“Hachoo!”

“May sakit ka?”

Pagtingin ko si Ken.

“Ha?...wala to… sipon lang”,sagot ko.

Hinawakan niya yung noo ko.

“Mainit ka po kaya”

Nilalamig ako.

Siguro nga may lagnat ako.

Pero ayokong umuwi…

Lalo lang akong lalagnatin don.

“Uuwi ka na!”

Sabi niya sa akin .

Ano siya Tatay ko?

Hindi ako uuwi no!?

“Ayoko nga!”

“Wag ngang matigas ang ulo mo!”

“Lalo lang ako magkakasakit don!Saka sanay na ako.”

Simula kasi ng umalis si John..

Kada monthsary namin… ganito na ako… nagkakasakit.

“Bahala ka nga diyan! Basta wag  kang magpapabuhat sa akin pag di mo na kaya ah”

At di niya na ako pinansin.

Lumabas ito at iniwan ako sa room.

Moody talaga non!

Pagdating ni Alexa,agad niya akong kinamusta.

“Kamusta ? anong nararamdaman mo ha?”

Paano niya naman nalaman?

“Okay lang ako”

Nilabas niya sa bag niya ang parang medicine kit niya.

Lahat ba ng babae ganiyan? Except me…

“Oh inumin mo to”,utos niya sa akin.

Ininom ko yung binigay niya.

Nagpasukan na ang mga kaklase ko.

Pati si Ken.

Di niya pa rin ako pinapansin.

Bakit parang lalong sumama pakiramdam ko sa ininom ko?

Pumikit na ako.

Paggising ko nasa Clinic na ako.

Nasa tabi ko si Alexa.

“Ikaw! Bakit di mo naman sinabing di ka pa pala kumakain!? Ayan tuloy lalo kang nagkasakit! Buti na lang binuhat ka ni Ken papunta dito”

“Nasaan yun?”,tanong ko.

“Nilalandi yung nurse”,bulong ni Alexa sa akin.

“Nilalandi?”

“Pinapagawan ka ni Ken ng excuse letter sa nurse mukhang nilalandi niya para makauwi ka na”

Pinaalam niya na din daw ako sa prof. namin.

“Sige na ako na bahala sa mamimiss mong lectures”

Si Ken?

Siya?!

Eh ni hindi nga siya nakikinig eh.

“Ihatid mo na yan at baka may mangyari na naman”,

Paglingon ko nandon na si Lester sa likod ko.

the SIGNS(COMPLETED) :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon