JAY'S POV
"Charlie!" sigaw ko habang hinahabol ko pa din siya. Kanina pa ako habol ng habol at tawag ng tawag sakanya, ni isang tingin wala! Ganun na ba talaga ako kasama para sa kanya?
"Fine." sabi ko. Napahinto naman siya sa sinabi ko. Siguro, nafeel niya na na aamin na talaga ako.
Kanina kasi, tinanong niya ako at hindi ko sinagot yun kaya naman nagwalk out siya. Hinintay ko talaga siya sa gate nun kasi gusto ko lang itama ang lahat pero nung nakita ko siyang papasok parang umurong ang dila ko.
"Ano? Hindi ka ba haharap saken?" huminto lang siya pero hindi pa din siya tumitingin.
"Charlie.. Hindi ako makakapagpaliwanag kung sisigaw ako at nakatalikod ka pa. Like, hello?! Hindi naman ako baliw. Paos na din ako. Nakakapagod." finally! Lumingon din siya saken.
"Ano?" may galit yung tono ng pananalita niya kaya naman nainis ako.
"Alam mo.. Ang gulo mo! Bwisit ka! Akala ko ba gusto mo siyang makilala? Ha? Bakit ganyan ka?" naiinis talaga ako! Ako na nga yung nagmamagandang ugali dito ginaganyan niya pa ako. Buo na ang loob ko ngayon unlike kanina.
With hangin effects kasi at nagslow mo siya saken kanina eh. Joke.
Fine! Kasalanan ko ang lahat. Nagpanggap ako. Kasalanan ko bang gusto ko din siya? Hindi ko din naman inakala na magugustuhan ko siya. Sa sobrang tagal ba naman na buntot kami ng buntot sa kanya. Aish. Pero ngayon, hindi niya naman ako gusto kaya dapat ipaubaya ko na lang siya. Ang tanga ko kasi. Ang tanga tanga.
May hinintay pa akong pinakamalapit na taong masaktan bago ko ihinto 'to kahit alam ko, sa una't una palang, masasaktan ko siya.
Ang tanga ko. Kung pwede ko lang ibalik ang dati..
Author's note:
This story will features Jordan Navarez, Rancis Illama and Charlie Zeran's POV.
For now, kay Jordan Navarez or Jay for short yung POV muna. Hehe. ALSO. Jordan/Jay is a GIRL.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Teen FictionA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?