"I am sorry Rancis.." nabulong ko sa sarili ko. Binuklat ko ang mga sumunod na pahina.
-Entry 1-
10:23 am
Akala ko isa siyang anghel na hulog ng langit dahil sa kagwapuhan niya. Pero napagtanto ko na isang normal na tao lang din siya dahil nakared siya. Hindi white.
Natawa naman ako bigla dito sa sinabi niya.
-Entry 2-
11:30 am
Sabi sakin ng dad ko, sigh wala na pala ang dad ko. Anyways, tawagin ko daw "love of my life" ang taong sa tingin kong papalit sa kanyang pwesto. Kaya naman tinawag ko siya. Teka. Sino ba siya? Ang landi ko naman.
-Entry 3-
1:10 pm
Sinabi ko sa bff ko! Nakakahiya nga kasi nakita niya akong numininja moves. Ahii. Wala naman daw siya gusto sa love of my life ko. I am so happy!
Totoo naman talaga. Yung mga oras na yun. Wala talaga. Talagang dineceive lang ako ng heart ko.
-Entry 4-
1:32 am
I can't sleep! I need to know him na! Tanungin ko na ba si Rina?
Rina? Diba Rino? Hahahaha!
-Entry 10-
8:50 am
I knew his name na! I asked Rina! CHARLIE DIMAYUG ZERAN daw. How handsome his name was!!
Naalala ko kung pano niya ibalita saken yun at pinaulit ulit pa..
Madami namang nakasulat pa dun. Hanggang entry 500 siya. Pero syempre hindi ko na muna binasa. Tinignan ko lang kung hanggang ilan.
"Ano yan?" awtomatikong nagnuminja moves ang katawan ko at tinago ang notebook.
"Ha? Wala? Nagreview lang ako.." palusot ko. Mukhang naniwala naman siya.
"Nakita ko siya Charlie.." mabilis naman siyang lumingon sa paligid.
"Wala na siya. Kanina pa. Mukhang galit na galit nga siya saken." ngumiti naman siya. Bakit siya ngumingiti diyan?
"Normal lang yun Jordan.. Wag ka na malungkot. Nandito lang ako as your friend." as your friend? Ba't parang..
"Teka nga! Nasaan na yang matalas mong dila? Tapos na ba period mo? Bakit biglang nagbago ka?" nag-iba na ang pananalita niya. Hindi na cold or may bahing galit.
"Well, nakakain na kasi ako at nakakita na din ng mga magagandang dilag." buti naman hindi na siya mukhang galit talaga saken. Pero ba't parang ang playboy niya na? Di naman siya ganyan.
"Magkwekwento pa ba ako?"
"Kahit hindi na. I've heard enough about her and I think it's time to find her now.."
"You want my help?" suggest ko lang naman. Pwede ko siyang ituro anytime.
"No thanks. I can handle this."
Paano niya kaya mahahanap si Rancis? Hmm. Tumayo na siya at may quiz daw pala siya ngayon sa sa major subject niya. Ayusin ko na daw ang relasyon namin ni Rancis. Magsorry daw ako. sigh Kaya ko siya nagustuhan dahil para siyang kuya ko kung mag-isip.
Kamusta na kaya ang kuya ko? Nasa coma siya ngayon. Magdadalawang buwan na. Sabay ng pag aaway namin ng bestfriend ko. Isa ang kuya ko sa dahilan kaya ginagawa ko 'to. Itong pag-aayos sa relasyon namin ng bestfriend ko. Narealize ko kasing ayoko mawala ang mga mahal ko sa buhay kaya naman doble ang sakit. Sumabay pa kasi 'tong gulo na ginawa ko.
Yung sakit.. Hindi lang doble. Triple pa!
Kaya hangga't sa maaari. Aayusin ko ang mga gusot ko. At natuwa naman ako, dahil alam kong may progress ang ginagawa ko dahil nasimulan ko ng umamin at magkwento ko Charlie.
Sana sunod sunod na ito.
BINABASA MO ANG
Your Beautiful Stalker
Fiksi RemajaA girl who hides her feeling and follow her crush for a long time. What if the boy waits for her? Would this be the conflict?